Chapter 39

3.4K 80 14
                                        

"Ahhhhh."

"Masarap?"

"Sobra babe~" Nakangiting sagot sa akin ni Gene, napangiti rin ako.

"Gusto mo pa?" Nagpuppy eyes ako sa kanya.

"Pwedeng isa pa?" Aniya habang nakahawak sa aking kamay at pinipisil-pisil. Tumango naman ako.

"Sige ipagsasalin kita." Paalam ko saka inabot ang pitsel para kumuha ulit ng malamig na tubig para kay Gene. Nang maiabot ay dineretso nya itong lagok hanggang sa maubos.

"Ahhhhh.. It's really good. Grabe nakakapagod talaga." Aniya.

Siya kasi ang nakaassign sa pagpupunas ng mga lamesa at nagdadala ng mga pinagkainan sa kusina.

Imagine, the well-known young CEO, nagsisilbi sa isang karendirya?! Pero hindi namin sya pinilit, sya mismo ang nagvolunteer. Wala kasi si Renz ngayon dahil malapit na ang exam kaya tutok sa pag-aaral. Pansamantala, si Gene ang humalili sa kanya. Nakakainis nga e, pinagtitinginan sya ng mga customer. Paanong hindi, naka simpleng boxing short at sando lang sya na pinatungan ng kulay asul na apron. Ang hot-hot nya ngayon. Sarap kagatin.

"How about you? Aren't you tired?" Tanong niya sa akin, umiling ako.

"Paano naman ako mapapagod e nakaupo lang ako don. Nakakangalay nga e. Ayaw mo naman akong patayuin. Ultimo pagkamot ng likod ko ikaw pa ang gumagawa." Sabi ko habang tinutuyo ang pawis sa kanyang noo.

Natawa sya.

"Ayoko lang mahirapan kayo ng baby natin." Malambing nyang wika sa akin na may kasama pang kindat. Natatawang itinulak ko ang kanyang mukha para itago ang kilig ko.

"Ewan ko sa'yo. Tumayo ka na dyan at may mga bagong kakain. Asikasuhin mo sila." Taboy ko. May mga kalalakihan kasing pumasok na kapwa mga nakasuot ng helmet. Tingin ko ay sa isang construction sila nagtatrabaho. Kung susumahin ay nasa sampong katao silang lahat.

"Foreman, sigurado ba kayong libre nyo kami? Baka mapasubo kayo?" Natatawang tanong ng isang lalaki sa tinutukoy nilang foreman.

"Oo naman. Akong bahala." Mabait na sagot ng foreman sa kanila.

"Sabi nyo yan ha." Ika ng isa pang trabahador.

"Susulitin ko po ito." Sabad ng isa pa.

"Basta kumain lang kayo hanggang sa mabusog kayo."

"Yon!!" Masayang wika ng mga ito. Natatawang hinila ng foreman ang upuan at naupo sa pinakadulo. Dagli namang nagsisunuran ang kanyang mga kasama.

"Halika, kunin natin ang order nila." Yaya ko kay Gene. Akmang tatayo na ako ng bigla nyang hawakan ang aking kamay.

"Wait. They're bunch of men. Ayokong lumapit ka sa kanila. Let Laila get their orders."- Gene.

"Busy si Laila. Tingnan mo, madami pa syang sinasandukan ng pagkain. Halika na."

"I'll do it. Hindi mo kailangang tumayo diyan." Pigil nya.

"O e alam mo ba ang mga tawag sa pagkain na ating tinitinda?" Tanong ko. Napakamot sya sa ulo dahilan para mailing ako. "Halika na. Don't worry, hindi ko sila kakausapin. Ikaw ang magtanong basta ako magsusulat lang." Paninigurado ko. Mukhang nakumbinsi naman siya dahil inalalayan nya akong tumayo. Two months pa lang ang dinadala ko pero kung makapagbawal 'to akala mo bubuwanin na.

"Remember, don't talk, don't look just write." Bilin nya. "Are we clear?"

"Clear Sir! Let's go." Masayang wika ko.

"Hey careful."

Nauna syang naglakad habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Kulang na lang e takluban nya 'ko para walang makakita sa akin. Dahil makulit ako, sumisilip ako para makita ko ang mga customer.

He Owned Me At Seven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon