"Sigurado ka ba talaga sa desisyon mo, Vina?"
Napairap ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya iyong natanong sa akin. At hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko na ring sinabi sa kan'ya na 'Oo siguradong-sigurado na ako.'
Sa halip na sagutin siya ay ipinapatuloy ko na lang ang pag-eempake ng aking mga gamit. Inilagay ko sa aking bag ang mahahalagang dokumento na kakailangan ko sa pag-alis ko. Nakapagpaalam na ako kina Nanay at Papa. Maging sila ay tutol sa desisyon ko pero desidido na ako. Ayoko munang manatili dito sa Maynila. Gusto ko munang magpakalayo-layo.
"Vina, hindi mo kailangang umalis."
"Samuel, kailangan kong umalis at hindi mo ako mapipigilan sa gusto ko kaya pwede ba 'wag kang makulit?" irita kong sabi sa kaniya. Hindi ko naman gustong kainisan siya kaya lang, epekto siguro ng pagbubuntis ko ay ang pagiging mainitin ng aking ulo.
"Paano si Mr. Carbonel?" tanong pa niya. Bahagya akong natigilan, nakaramdam ako ng konting kirot sa aking dibdib.
"Huwag mong isama dito ang taong wala na," galit kong turan bago isinara ang bag na naglalaman ng aking mga dadalahin.
Hindi ko na siya kinausap pang muli. Bigbit ang bag, bumaba ako ng hagdan at hinanap ang aking pamilya. Natagpuan ko silang nakaupo sa may hapag at malungkot ang mukhang nakatingin sa akin.
"Aalis na po ako," pagpapaalam ko.
"Sigurado ka bang magiging okay ka lang doon?" nag-aalalang tanong sa akin ni Nanay.
"Opo. Malaki na po ako. Saka na lang po siguro ako babalik kapag nakapanganak na ako. Sa ngayon, gusto ko po munang magpakalayo-layo. Gusto ko munang hanapin ang aking sarili. Huwag kayong mag-alala dahil hindi ko naman pababayaan ang aking sarili."
Biglang lumapit sa akin si Erol at niyakap ang aking baywang.
"Ate, mamimiss kita." Paglalambing nito. Nakangiting niyakap ko rin siya kasabay nang paggulo ng kaniyang buhok.
"Mamimiss ko rin ang kakulitan mo. 'Di bale, kapag nanganak ako, tatawag agad ako sa inyo para ipakita ang pamangkin mo. May gusto ka bang pangalan para sa kaniya?"
"Wala po. Basta bumalik kayo dito agad ha."
"Oo naman."
"Nanay, Papa kayo na po munang bahala rito. Tatawag na lang ako kapag nakarating na ako sa Samar."
"Mag-ingat ka, Vina."
"Opo, pa."
Matapos ang mahabang paalaman ay lumabas na ako. Si Samuel ang nagbitbit ng aking gamit. Nagpresinta rin siyang ihatid ako hanggang Samar kahit pa ilang beses ko siyang tanggihan. Sa huli ay siya rin ang nasunod.
"Saan ka titira sa Samar?" tanong niya lulan kami ngayon ng kaniyang sasakyan.
"Sa aking Lola. May kamag-anak kaming taga-Samar sa side ni Papa Kagagaling ko lang doon kamakailan."
"Bibisita ako roon paminsan-minsan. Kapag may kailangan ka don't hesitate to call me."
"Thanks."
***
Three months later.
"Buntis, ang laki-laki na talaga ng tiyan mo." Natutuwang puna sa akin ni Tessa, panaka-naka niyang hinahawakan ang aking umbok na tila manghang-mangha sa laki nito. Hindi ko naman siya masisisi dahil maging ako ay nalalakihan. Para itong isang malaking pakwan na nakadikit sa aking sinapupunan. Pwede rin lobo na pwedeng pumutok kahit kailan. "Ikaw rin ang laki-laki mo na. Doble na ang baba mo girl." Dagdag niyang puna na siyang ikinasimangot ko naman.
BINABASA MO ANG
He Owned Me At Seven
General Fiction*COMPLETED Ang storyang ito ay patungkol sa batang lalaki na si Gene. Siya ay umibig kay Vina na mas matanda sa kaniya ng pitong taon. Sa edad na pito ay niligawan niya ang dalaga ngunit hindi nito sineryoso ang kanyang panliligaw sapagkat para dit...