Chapter 4

7.1K 170 29
                                    

"Hoy Babae!"

Napaigtad ako ng marinig kong sumigaw si Elma sa tabi ko. Muntik ko pang mabitawan ang hawak kong disposable cup na naglalaman ng kapeng kakatigis ko lang sa vendo. Buti na lang at nahawakan ko ng mahigpit kundi baka nabuhusan ako.

"Ano ba?! Wag ka ngang nanggugulat!" Grabe naman kasing makasigaw. Daig pang nasa kabilang dulo ng building ang kausap. Kung may sakit lang ako sa puso baka naglupasay na ako sa sahig.

"Saan ka nanggaling kahapon??" Tanong ni Elma habang nakapameywang.

"Bakit hindi ka na bumalik??" Si Joyce, nakataas ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin.

"At bakit ka naka dress?"

"May emergency kahapon kaya hindi na ako nakabalik sa office." Tinalikuran ko na sila para magtungo sa aking table. Hayyy back to work na ulit.

"Nagka-emergency lang, nagdress ka na bigla?" Hirit ni Joyce kaya napa-irap ko. Sumunod pa talaga eh.

"Totoong nagka-emergency." Yung boss nating mabait, inapoy ng lagnat. Ngali kong masabi kaya lang hahaba pa ang tanungan.

"Ihhh ano bang emergency yan at hindi mo na nagawang bumalik o tumawag man lang?"- Elma

"Pinag-alala mo kaya kaming lahat."- Joyce

"Basta.."

Tss. Pag kami nakita na naman ni Sir na magkakaumpok, tyak sermon na naman ang aabutin namin. Di na mga natuto.

"Bumalik na kayo sa table nyo baka makita pa tayo ni Boss o kaya ni Ms. Heidi. Lagot na naman tayong tatlo."

Kinuha ko ang blue folder na nasa drawer ko, naglalaman iyon ng budget para next month. Kailangan kong i-analize para malaman ko kung sasapat ba iyon sa mga gastusin ng kompanya sa Nobyembre. Mahirap nang ma-short, di na baling lumabis huwag lang magkulang.

"Huy Joyce! Elma! Bumalik na kayo sa table nyo, papunta ata dito si Boss!" Agad namang nagsipagbalikan sa kani-kanilang table ang dalawa dahil sa sinabi ni Russel, samantalang ako naman ay hindi malaman kung saan tatago.

May naisip ako bigla. 'Alam ko na!'

"Guys, Cr lang ako ha. Natatae ako!" Agad akong tumakbo papuntang CR dito din sa loob ng office namin para magtago. Ayokong makita si Gene kasi nahihiya ako.

Kung bakit kasi hindi ako nagising kagabi, edi sana hindi ako nagtatago ngayon. Kaasar!! Yung lalaking yon naman hindi ako ginising! Nakuuuu!! Kapag naalala ko yun, gusto kong sampalin ang sarili ko.

***
'Naalimpungatan ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mukha. Umaga na pala at pakiramdam ko ay naging masarap ang aking tulog dahil sa aking mabangong unan na ngayo'y aking yakap-yakap. Nakadantay pa ang aking isang binti sa ibabaw nito habang ang ulo ko ay nakaunan sa isang matigas na bagay.

Tinatamad pa akong bumangon kaya isinubsob ko na lang ang aking mukha sa unan para matulog ulit. Ngunit isang mahinang tawa ang syang nagpagising sa akin.

He Owned Me At Seven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon