Mahinang boses ang bumungad sa akin nang makapasok ako sa kwartong inuukupa ni Vina. Naabutan ko siyang kinakausap ang natutulog na si baby Eren sa kan'yang tabi. Bahagya siyang nakatalikod sa aking gawi kaya hindi niya napansin ang aking pagdating. For the mean time, I stayed quiet and listen to her while she talks to our princess.
"Ang cute-cute naman ng anak ko," ani Vina na marahang hinahaplos ang pisngi ni Eren. Kita ko ang paggalaw ng labi ni baby na tila ngumiti ito. Maybe she agreed to her mommy. Aware siyang cute siya. "Ang daya naman. Bakit parang walang nakuha sa akin? Bakit parang copy paste ka ng daddy mo?" nakasimangot na turan ng kan'yang mommy.
'Mommy at Daddy' napangiti ako.
Parang may humaplos sa kaloob-looban ko nang marinig ko ang salitang daddy. I still can't imagine that I am a father now. That, I have a beautiful daughter from the girl I loved since I was a kid. Who would have thought na magkikita pa rin kami, na after two decades siya pa rin. Siya at siya lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Wala nang iba. 'Yung babaeng binubuntutan ko lang noon, misis ko na ngayon. Well, not officially pero doon din naman ang punta n'on.
Habang pinapanuod ang aking mag-ina ay pasimple ko silang kinuhanan nang picture, remembrance and also for my new wallpaper. Gusto ko pagbukas ko ng cellphone ko ay ang mag-ina ko ang makikita ko. Dati, si Vina lang ngayon dalawa na sila. Ano pa bang mahihiling ko? I feel so damn lucky to have them and I thank God for that. I think, I am the luckiest man on earth.
"Where is daddy na kaya, baby? Sabi niya hindi daw siya aalis," maya-maya'y tanong ni Vina na nanghahaba na ang nguso. Nilapitan ko sila bago pa siya mag-transform na dragon. Baka mamaya awayin ako e.
"I'm just here, babe," I told her. Mabilis naman siyang lumingon sa akin, nakangiti pero agad ding sumimangot.
"Saan ka galing? Sabi mo hindi ka aalis?"
"May kinausap lang ako sa labas. Bakit? Miss mo na ako?" I joked but deep inside, I'm hoping na she will say yes.
"Hindi ah! Asa ka! Baka hanapin ka ni baby!" she said. Natawa na lang ako. Si baby pa talaga ang idinahilan. Alam ko namang nagsisinungaling lang siya. If I know, gustong-gusto na niya akong yakapin.
"Okay, if that's what my babe said." I kissed her cheeks, so our baby.
"Totoo nga kasi!"
"Okay, I believed you." This time, I kissed her lips para matigil na siya. Nang maghiwalay ang aming labi ay tila nakulangan ako kaya hinalikan ko siya ulit, mas matagal. Masama talaga kapag natitikman ko ang labi niya, naaadik ako.
"Hmm... G-Gene," she moaned. I felt her hands on my chest trying to push me. "Sandali," she said but I did not listen. "G-Gene.."
Humiwalay ako.
"I really love your lips," I was about to kiss her again when she covered my lips with her palm.
"Sandali kasi!" angil niya bago naupo.
"Babe naman.." Napalabi ako. I want to crash those soft lips again and again. Hindi ata ako magsasawa.
"Gusto kong malaman kung anong pangalan ng baby natin," nakasimangot niyang sabi sanhi para mapakamot ako sa aking ulo. Oo nga pala, ako nga pala ang nag-isip nang pangalan niya.
"She's Eren Nicole T. Carbonel."
"Eren Nicole..." Pag-uulit niya. Tumango ako. If ever na hindi n'ya gusto, willing naman akong mag-isip ng bago. Madami kaya akong isinulat noon.
"Si Tatay ang nag-isip ng Eren kung natatandaan mo pa habang sa akin naman ang Nicole. Pinag-combine ko na lang. Okay lang ba sa 'yo, babe?"
"Oo naman, Babe." Tumango siya.
BINABASA MO ANG
He Owned Me At Seven
General Fiction*COMPLETED Ang storyang ito ay patungkol sa batang lalaki na si Gene. Siya ay umibig kay Vina na mas matanda sa kaniya ng pitong taon. Sa edad na pito ay niligawan niya ang dalaga ngunit hindi nito sineryoso ang kanyang panliligaw sapagkat para dit...
