***
Mariel's POV
Abala ako sa pagluluto ng tanghalian dahil nakatanggap ako ng text mula kay Gene na pupunta daw sila ni Vina para bisitahin ang anak kong si Jayrel. Kasalukuyang tulog ang aking anak sa kwarto kaya makakapagluto ako ng maraming putahe para sa dalawa. Excited akong makita muli sila, lalo na si Vina. Alam ko na may galit pa rin sya sa akin ngunit nararamdaman ko na mahalaga pa din ako sa kanya, na kinakausap niya pa rin ako sa kabila ng kasalanang nagawa ko dati. Mabuti syang tao na biktima lang ng pagtataksil kaya ganoon na lang katindi ang kanyang pagsusungit. Rason na rin kung bakit hindi nya ako basta mapapatawad. Kahit din naman ang sarili ko ay hindi ko magawang patawarin. Napaka-walang kwenta ko kasing kaibigan.
Sana dumating ang araw na mahanap nya rin ang kapatawaran sa puso nya. Miss na miss ko na si Vina, miss ko na ang bestfriend ko.
Siguro way na din ang anak ko para magkaayos kami. Nakikita ko na malapit ang loob nya kay Jayrel hindi lang dahil sa siya ang tumulong sa amin sa panganganak kundi marahil ay nasasabik na din syang magkaroon ng batang aalagaan. Mula pa noon, pangarap na nyang magkaroon ng malaking pamilya at ako ang isa sa rason kung bakit hindi nya iyon natupad.
Kung hindi lang ako naging tanga dati, edi sana magkaibigan pa rin kami ngayon. Kung pwede ko lang sanang ibalik ang nakaraan.
Halos patapos na ako sa aking niluluto, ang iba ay nakain na ng biglang may nagdoorbell kaya't pinatay ko muna ang stove at nagpunas ng kamay. Baka sina Vina na ang dumating.
Masaya kong binuksan ang pinto at ready na sana silang batiin ngunit natigilan ako. Agad na napalis ang aking ngiti ng makilala ko ang taong nakatayo sa tapat 'non. Biglang nanlamig ang aking katawan. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ngunit hindi ko rin maikakailang nasasabik akong makitang muli sya. Magdadalawang buwan na mula noong huli ko syang nakita, maging ang anak kong si Jane, ang kaibahan lang ay nakakausap ko naman ang anak ko paminsan-minsan sa pamamagitan ng kapatid ni Jay thru cellphone.
Parang gusto ko siyang yakapin pero hindi pwede.
Sinubukan kong isarang muli ang pinto subalit mabilis nyang naiharang ang sarili at tuluyang pumasok sa loob.
"A-anong ginagawa mo dito, Jay? Paano mo kami nahanap?" Kinakabahang kong tanong. Baka maabutan sya nina Vina, paniguradong magagalit 'yon. Ano ba kasing ipinunta niya rito? Hindi naman nya siguro kukunin sa akin si Jayrel, diba? Hindi naman siguro sya naparito para saktan ako.
Pinilit kong kalmahin ang aking sarili.
"Mag-usap tayo, Mariel. Ang tagal mo akong tinaguan, pati anak ko inilayo mo sa akin." Seryoso nyang sagot sa akin. Muli ay bumalik ang kaba sa aking dibdib. Nakikita ko ang galit sa mga mata nya maging ang pagkuyom ng kanyang mga kamay.
"Hindi ko gustong taguan ka, Jay." Kinakabahan kong sagot.
Tumalim ang kanyang tingin at mariing hinawakan ang aking kanang braso. Napaingit ako sa sakit. "Hindi mo gusto? Ang sabihin mo inilalayo mo ang anak ko sa akin!!
"A-aray! Nasasaktan ako, Jay."
Hindi siya nagsalita.
"P-parang awa mo na, Jay, hayaan mo na ako. S-sorry kung ng dahil sa akin nasira ang pinapangarap mong pamilya. S-sorry kung hindi dahil sa kasakiman ko, kayo pa rin sana ni Vina. Sana mapatawad mo ako."
"Sa tingin mo ay ganon na lang kadali 'yon? Do you think your sorry is enough to change what happened in the past? Do you expect me to forgive you that easy and boom everything will fall into places? Tingin mo ba e babalikan pa ako ni Vina matapos mo kaming sirain, ha!?"
Biglang may dumaang sakit sa dibdib ko dahil sa huling sinabi nya. Taon na ang binilang ngunit hanggang magyon ay sya pa rin talaga. Mahal na mahal nya pa rin si Vina.
BINABASA MO ANG
He Owned Me At Seven
Fiksyen Umum*COMPLETED Ang storyang ito ay patungkol sa batang lalaki na si Gene. Siya ay umibig kay Vina na mas matanda sa kaniya ng pitong taon. Sa edad na pito ay niligawan niya ang dalaga ngunit hindi nito sineryoso ang kanyang panliligaw sapagkat para dit...
