Vina's POV
Abala ako sa pagpupunas ng lamesa na ginamit ng mga customer. Pagkakaalis kasi nila ay agad naming nililinis ang lamesa para hindi nakakahiya sa susunod na gagamit. Abot nga ang pigil sa akin ng magkapatid ngunit hindi ako nagpaawat. Naiinip ako. Ang totoo ay gusto kong gumala kaya lang ay wala akong kasama. Gustuhin ko man silang ayain ay mga abala naman sila sa kainan.
"Vina, tama na 'yan, kami na ang bahalang maglinis ng mga lamesa." Awat sa akin ni Laila pero hindi ko siya pinansin. "Huy! Mamahinga ka na muna don. May pinabili akong eggpie kay Renz." Aniya. Parang naging instant password yung eggpie dahil bigla kong binitawan ang basahan at nagtungo sa may kaha.
Pagdating ko don ay meron ngang box kaya't mabilis ko iyong binuksan.
"Eggpie nga!!!" Masaya kong wika na maluha-luha pa. Natawa naman ang magkapatid sa inasal ko.
"Eggpie lang pala ang makakapagpahinto sa'yo." Natatawang turan ni Laila sa aking tabi, dagli ko syang niyakap at nagpasalamat.
"Salamat talaga dito! Kagabi lang iniisip ko 'to e." Mangiyak-ngiyak kong sabi habang kumakagat sa tinapay. Kagabi kasi bigla akong natakam dito kaso wala naman akong alam na bilihan. Sinubukan kong tanungin sina Laila kaso sabi nila sarado na daw. Buti na lang binilihan nila ko ngayon!!
"Sige kumain ka muna diyan, kami na muna ang bahalang maglinis dito." Sabi sa akin ni Laila na sinuklian ko naman ng isang tango.
Gaya ng sinabi nya ay kumain lang ako sa aking pwesto. Ako pa rin ang tumatanggap ng bayad pero ayos lang dahil konti lang naman sila. Inabala ko na lang ang sarili ko sa panonood ng kdrama sa aking cellphone habang kumakain.
Maya-maya ay narinig kong tumunog ang bell hudyat na may dumating ngunit hindi ko na pinag-abalahan pang lingunin. Masyado akong hook sa pinapanuod ko.
"Doon ka na lang magbayad kay buntis." Narinig kong sabi ni Laila kaya't nag-angat ako ng ulo.
Napahinto ako sa pagkagat ng makita ko ang taong nasa aking harap. Natulala siya, maging ako rin pero mabilis akong natauhan at dagli siyang nilapitan at niyakap.
"Tammy!" Nasaya kong salubong sa kanya habang nananatiling nakayakap sa kanya. Namiss ko itong babaeng 'to. Isa siya sa umiyak noong umalis ako kaya natutuwa akong makita siyang muli ngayon. "Kamusta ka na? Sina Elma? Kamusta na kayo sa Finance? Bakit ka nandito?" Sunod-dunod kong tanong sa kanya ngunit wala akong narinig na kahit ano kaya't lumayo ako sa kanya. "Uy! Natulala ka dyan?"
"Y-You're here?" Aniya habang tulalang nakatingin sa akin. Mukha siyang nakakita ng multo sa totoo lang.
Nakangiti akong tumango sa kanya.
"Taga rito ang mga pinsan ko sa side ni Papa." Sabi ko pero para parin siyang lutang. "Wait, may ipapakilala ako sa'yo." Wika ko saka siya hinila papalapit sa tulala ring si Renz katabi si Laila na nakatingin din sa amin. "Sila ang mga kapatid ni Papa, si Renz at Laila." Turo ko sa dalawa. "Guys, eto naman si Tamara, kasamahan ko sa Maynila." Pagpapakilala ko.
"H-Hi Tamara." Nauutal na bati ni Renz na mukhang nakabawi na sa pagkatulala. Mukhang siya yung tinutukoy ni Renz na magandang babae.
Tumikhim si Tamara na mukhang natauhan na din at dagling ngumiti. "Hello, Renz and Ate Laila." Aniya.
"Hello din sa'yo, Tamara, ang ganda mo naman." Puri sa kanya ni Laila.
"Salamat po. Ahmmm..." Humarap sa akin si Tamara at tila hindi makanali. "Masaya akong makita ka ulit, Ate Vina but I need to go." Paalam niya at akmang aalis na ngunit mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay para pigilan.
"Sandali." Wika ko.
"Bakit?" Aniya saka tumingin sa may pintuan na parang kinakabahan.
"Okay ka lang ba? Mukha kang tense."
BINABASA MO ANG
He Owned Me At Seven
Ficção Geral*COMPLETED Ang storyang ito ay patungkol sa batang lalaki na si Gene. Siya ay umibig kay Vina na mas matanda sa kaniya ng pitong taon. Sa edad na pito ay niligawan niya ang dalaga ngunit hindi nito sineryoso ang kanyang panliligaw sapagkat para dit...