Nang huminto ang taxi sa tapat ng isang condominium, umakyat ako sa 15th floor at walang dalawang isip na pinindot ang doorbell ng isa sa mga kwartong naroroon. Ilang segundo lang ang lumipas ng bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang bagong paligong si Mariel.
"V-Vina? Anong ginagawa mo dito?" Gulat nyang tanong sa akin.
"Bakit bawal ba? Sa'yo ba ito??" Mataray kong tanong sa kanya. Mukhang napahiya naman sya pagkuwa'y nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Hindi ko naman intensyong sabihin sa kanya ang bagay na iyon, sadya lang wala ako sa mood ngayon.
"P-pasok ka." Sabi nya kaya't pumasok na nga ako. "Gusto mo ng juice o kape?"
"Wala."
"Kapag may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin."
"Huwag ka ngang umaktong mabait kasi hindi bagay sa'yo." Sabi ko. Naupo ako sa sofa na naroroon at pumikit.
"Pasensya na." Narinig kong sabi niya. Hindi ko na lang sya pinansin. Nakarinig ako ng mumunting ingay sa kusina marahil ay naghahanda sya ng lulutuin. Nagtungo ako sa kwartong inuukopa nilang mag-ina kung saan nadatnan ko si baby Jayrel na naglalaro sa crib.
Nilapitan ko sya at tinitigan. Nang makita ako ay bigla syang ngumiti sa akin kaya't napangiti na rin ako.
"Bad kang baby, may problema na nga si Tita tinatawanan mo pa." Kausap ko sa kanya. Lalo naman syang tumawa, this time ay may tunog pa. "Nilagyan mo pa talaga ng tunog. Kuuuhh kung hindi ka lang cute." Pinisil ko ng bahagya ang kanyang pisngi. Tumawa ulit siya.
Nawili ako sa kakalaro kay baby Jayrel kaya't hindi ko na namalayan ang oras, kundi pa pumasok sa kwarto si Mariel ay hindi ko malalaman na gabi na pala.
"Dito ka na maghapunan." Sabi nya.
"Anong oras na?" Tanong ko.
"Magse-seven na." Sagot niya.
"Gabi na pala." Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Si Mariel naman ay kinuha ang anak at dinala sa kusina.
"Dito ka na kumain." Aya nya. Nagdadalwang isip ako kung susundin ko ba sya o uuwi na lang. Pero naisip ko na baka andon si Gene sa bahay, ayaw ko muna syang makita. Walang imik na naupo ako sa bakanteng upuan sanhi para mapangiti sya. "Niluto ko yung paborito mong beef tapa, sana magustuhan mo." Wika pa nya.
"Salamat." Tipid kong sagot bago nagsimulang kumain. Tahimik naming pinagsaluhan ang inihanda nya, hindi naman nya ako kinakausap at lalong hindi ko rin sya kakausapin kung kaya't tanging tunog lang ng kubyertos ang aming maririnig. Hanggang ngayon hindi ko maalala ang dahilan kung bakit dito ako nagpunta. Bakit hindi kina Elma? Bakit hindi kina Joyce o Candice? Basta bigla na lang akong dinala ng mga paa ko dito.
Nang tumunog ang aking cellphone ay tahimik kong kinuha at binasa ang mensaheng dumating.
'Where are you? I just got home from work.' Text ni Gene ngunit binalewala ko iyon. Maya-maya lang ay muling tumunog ang cellphone. 'Why are you not answering? Are you sleeping already?' Dedma.
'Hmm.. Maybe you're tired. Anyways, I had a great lunch though you're not with me. I missed you.'
'Good night Baby! 1-4-3-6&7!'
Pagkatapos ng huling mensahe ay saka ko lang ibinaba ang cellphone. Doon ko lang napansing nakatingin pala sa akin si Mariel.
"May problema ba?" Usisa nya pero irap lang ang aking isinagot. Nakuha naman nyang ayoko syang kausap kaya't hindi na sya umimik pa.
Pagkatapos ng hapunan ay saka lang ako umuwi ng bahay. Hindi naman nagtanong sina Nanay at Papa kung bakit ako ginabi dahil sinabi ko sa kanilang pumunta ako sa isang kaibigan.

BINABASA MO ANG
He Owned Me At Seven
Ficción General*COMPLETED Ang storyang ito ay patungkol sa batang lalaki na si Gene. Siya ay umibig kay Vina na mas matanda sa kaniya ng pitong taon. Sa edad na pito ay niligawan niya ang dalaga ngunit hindi nito sineryoso ang kanyang panliligaw sapagkat para dit...