Isang linggo ang matuling lumipas, hanggang ngayon ay hindi pa rin kami okay ni Gene. Sinubukan ko namang kausapin siya pero hindi mangyari dahil pag hindi busy ay nagkakaron siya ng biglaang tawag. Nung isang araw ay nagtungo sya sa Zambales para makipagkita sa isang kliyente kaya lalo akong nawalan ng chance na magkausap kami. Bukas pa daw ang balik niya sa Manila ayon kay Ms. Heidi.Marami akong naririnig na bulong-bulungan na kesyo break na daw kami ni Gene at si Jemaru na ang girlfriend. Ayokong magpaapekto sa sinasabi nila kahit pa minsan ay napanghihinaan na ako ng loob. Lalo na kapag madalas kong nakikita si Jemaru na bumisita sa CGC na sobrang ganda. Kahit yata may edad na ay talagang napapalingon sa kanya.
Si JP?
Humuhugot lang ako ng lakas ng loob para kausapin siya mamaya. Nakapagdesisyon na akong harapin siya at pakinggan ang kanyang explanation. Kung ito lang ang way para maging buo ang tiwala sa akin ni Gene ay gagawin ko. Maliit na sakripisyo lang ito kumpara sa mga adjustment na ginawa ni Gene para sa akin at sa relasyon namin. Sana lang ay maganda ang kahinatnan ng pag-uusapan namin at matapos na ang problema.
Bandang alas-syete ng gabi, nakatayo na ako sa harap ng restaurant kung saan kami magkikita ni JP. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago pumasok sa loob. Agad kong hinanap ang kinaroroonan ni JP na mabilis ko namang nakita. Ipinagpapasalamat ko na nasa bandang sulok ang napili niyang table para sa amin. Walang masyadong makakarinig kung sakaling tumaas ang aming mga boses.
Sa halip na lapitan agad ay nagpatagana muna ako ng isang minuto at pinanuod ang kanyang ginagawa. May kung anong tinitingnan siya sa cellphone dahilan kung bakit napapangiti ito.
Nang sa tingin ko ay okay na ako, lumapit na ako sa kanyang kinauupuan.
"Vina.." Mahinang turan ni JP ng mapansin nya ang aking presensya, ipinatong niya sandali ang cellphone sa ibabaw ng table at mabilis na tumayo at ipinaghila ako ng upuan katapat lang rin ng sa kanya.
"Salamat at pumayag ka na mag-usap tayo. Nagulat talaga ako ng bigla kang tumawag." Aniya ng makaupo kami, mababakas ang kasiyahan sa kanyang mukha. Hindi naman ako nagkomento.
Ang totoo ay kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong ire-react ko ngayong nasa harap ko na siya. Ipinagpapasalamat ko na lang na nagagawa ko pa ring maging mahinahon sa kabila ng pagpipigil kong sumbatan siya. Pero naiisip ko na wala ng sense para gawin ko iyon. Masyado ng matagal ang panahong lumipas. Masyado ng huli para gawin ko sa kanya ang mga nais kong gawin. Sa ngayon, nakipagkita lang ako sa kanya para pakinggan ang side niya at wakasan ng masamang nakaraan namin.
"What do you want to eat?" Pagkuwa'y tanong niya. Nakangiti niyang iniabot sa akin ang menu na tinanggap ko naman ngunit hindi ko pinag-abalahang buksan.
"Bibigyan kita ng chance na ipaliwanag ang side mo sa akin. Sabihin mo sa akin ang totoong nangyari nung araw na 'yon. Gusto kong sabihin mo sa akin kung bakit mo ako nagawang lokohin. At pagkatapos kong marinig, susubukan kong kalimutan lahat." Seryoso kong sabi habang diretsong nakatingin sa kanya.
Unti-unti namang nabura ang kanyang ngiti saka umupo ng ayos at nagpakawala ng isang buntong hininga. Hindi agad siya nagsalita bagkus ay tumingin lang sa akin.
"Sana kahit man lang kaibigan ay ituring mo ako kapag nasabi ko na sa'yo lahat." Sabi pa nya.
"Titingnan ko." Sagot ko.
Tinitigan niya ako. Nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang JP na minahal ko dati. Kung paano niya ako tingnan noon ay ganon pa rin ngayon, masuyo at malamlam. Napansin ko na mas naging matured ang itsura niya kumpara nung huli ko siyang nakita sa mall, nagkaroon na siya ng konteng bigote at balbas. Maging ang buhok niya ay medyo malago na din pero maayos namang tingnan at bagay pa rin sa kanya.
BINABASA MO ANG
He Owned Me At Seven
Fiksi Umum*COMPLETED Ang storyang ito ay patungkol sa batang lalaki na si Gene. Siya ay umibig kay Vina na mas matanda sa kaniya ng pitong taon. Sa edad na pito ay niligawan niya ang dalaga ngunit hindi nito sineryoso ang kanyang panliligaw sapagkat para dit...