Chapter 12

4.2K 85 7
                                    

"Ate birthday ko na bukas, pupunta ba dito si Kuya Gene?" Tanong ni Erol. Gabi na ngayon at nandito sya sa kwarto ko dahil na-eexcite day sya bukas. Pupunta daw kasi lahat ng kaklase at teacher nya. Buti na lang hindi ako nawalan ng trabaho, kundi nakakahiya sa mga bisita ni Erol.

"Hindi ko alam e. Hindi nya alam na birthday mo." Sagot ko. Nalimutan ko kasing banggitin.

"Tawagan mo Ate para makapunta sya. Sabi ko kasi sa mga kaklase ko na may gwapo kang boyfriend." Napangiwi ako sa sinabi nya.

"Erol bakit mo sinabi yon? Hindi ko boyfriend si Gene." Naku naman! Sana sa mga teacher nya lang sinabi.

"Eh Ate, ang alam din ng nga kapitbahay natin boyfriend mo sya."

"Ano?!"

"Asawa pa nga eh."

"Huh?! Sinong nagkalat ng bagay na yan??" Kaya pala panay ang bati sa akin ng mga kapit-bahay nung kamakailan. Akala siguro nakabingwit ako ng mayaman. Tsk

"Walang nagsabi Ate. Sila ang nag-isip." Sabi nya. Napabuntong-hininga na lang ako. "Eh diba nanliligaw sayo si Kuya Gene? Magiging boyfriend mo na din sya, Ate."

"Wala pa akong balak sagutin si Gene, pinag-iisipan ko pa."

"Hindi mo ba sya gusto?"

Hindi ako nakasagot. Gusto ko siya pero hindi ko alam kung gaano kalalim. Baka mamaya mamis-interpret ko yung pagkagusto ko sa kanya, baka mamaya kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya.

"Di ko alam."

"Nak.." Sabay kaming napalingon sa pintuan nang marinig namin ang tawag ni Nanay. Tumayo ako para pagbuksan sya.

"Bakit po?"

"Nasa baba si Gene." Sabi nya.

"Ho? Gabi na a, ano daw hong gagawin dito?"

"Di ko alam. Babain mo dun." Sabi nya.

Bumaba nga ako sa sala para puntahan si Gene. Nadatnan ko sya na mag-isang nakaupo sa sofa habang nagtitingin ng mga picture sa dingding. Nakasuot ito ng puting sando at Jersey shorts bukod don, nakatsinelas lang din ito.

'Hmmm nakapangbahay.'

"Gabi na, ba't nagpunta ka pa dito?" Pukaw ko sa kanyang atensyon, agad naman syang lumingon sa gawi ko at ngumiti.

"I'll sleep here." Sabi nya kaya't napataas ang kilay ko. Ano raw? Dito matutulog?

"Dito? Wala ka nang tutulugan dito. Maliit lang ang bahay namin." Totoo naman, okupado na ang mga kwarto dito sa bahay, puro single bed pa ang kama pwera kina Papa.

"I'll sleep in your room then."

"Huh?! Wala kang pwedeng higaan don, masikip ang kwarto ko." Paano kami magkakasya sa kama ko e ako nga nahuhulog pagminsan.

"I'll sleep in your room..."

"Pero----"

"But on the floor." Nakangiting sabi nya habang taas-baba ang kilay.

"Teka nga, pinalayas ka ba sa inyo at wala kang matuluyan??" Ang laki-laki kasi ng bahay nila tapos dito siksik. Sa kanila may aircon, dito electric fan lang kakawag-kawag pa.

"Ayaw mo kasing matulog sa mansion kaya ako na lang ang makikitulog sa inyo." Sabi nya saka dinampot ang unan na nasa tabi, may comforter at kumot pa. Grabe di ko napansin yon kanina ah, di naman sya masyadong ready no?

Naglakad si Gene paakyat ng hagdan bitbit ang mga dalang gamit pantulog, sa wari ko ay sa kwarto ko ang kanyang punta.

"Gene hindi ka pwede sa kwarto ko." Hinabol ko sya paakyat ng hagdan. Naabutan ko syang kasalukuyang kausap si Erol na tuwang-tuwa sa kanyang pagdating.

He Owned Me At Seven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon