Isang pinong kurot ang binigay ko kay Gene nang magising ako kinabukasan sanhi para magising siya at mapasigaw.
"Babe?!" angal niya. Bahagya pa siyang nakapikit. Sabog ang kaniyang buhok at wala rin siyang damit pang-itaas dahil t-shirt niya ang suot-suot ko ngayon. Siguro binihisan niya ako kaninang madaling araw matapos naming mag-ayuno. Ayuno talaga? Char! Muli ko siyang kinurot nang maalala ako ang dahilan ng pagkainis ko. "Babe! Bakit ka ba nangungurot?!"
"Tingnan mo!" Inis kong sabi habang nakaturo sa playroom ni baby Eren. Pipikit-pikit naman siyang luminga sa paligid.
"Anong meron?" tanong niya kaya hinila ko ang kaniyang patilya. "Aww! B-Babe let go of me. A-Aww."
"Bwisit ka! Tatanong-tanong ka pa! Tingnan mong mabuti!!"
"Ano ba kasing meron at nagagalit ka?"
Tiningnan ko siya nang masama. Kakamot-kamot siya sa ulo saka muling inilibot ang tingin sa buong kwarto. Nang mapansin ang tinutukoy ko ay pilit ang ngiting humarap muli siya sa akin.
"N-Nag-enjoy ka naman diba? He-he-he?"
Akmang kukurutin ko ulit siya nang mabilis siyang nakalayo sa akin. Doon ko lang napansin na naka-boxer lang pala siya kaya't expose na expose ang kaniyang katawan.
"Ano nang gagawin natin diyan?!"
Halos umusok ang aking ilong. Paanong hindi? Sa sobrang wild niya kagabi hindi na namin nagawang lumipat ng kwarto. Ayaw niya akong pakawalan kaya ayon. Wasak ang maliit na tent. Naputol ang isang paa ng kama ni Eren at ang mini-slide ay nahati sa gitna.
Kung hindi ba naman sobrang wild kagabi hindi sana masisira ang mga gamit. Lahat yata ng sulok nadaanan namin. Ni hindi pa man lang napapakinabangan ni Eren ang mga laruan niya ngayon sira na!
"B-Babe naman. Kasalanan mo."
"Aba't-"
"Ang hot mo kasing umungol. Nademonyo tuloy ako kagabi," sagot niya sanhi para mangamatis ang aking mukha.
"P-Pwede ba! P-Puro ka kahalayan."
"Babe, sorry na kasi. Sobra lang kitang na-miss. You know, I've been celibate for almost one year. I deserved what happened to us last night. Gusto mo ulitin natin?"
Ready na sana akong batuhin siya ng laruan nang marinig namin ang iyak ni Eren. Akmang tatayo na ako nang maramdaman ko ang pananakit ng aking katawan.
"Gene!" angil ko.
"Be right back, babe!" aniya saka ako iniwan para puntahan ang anak namin. Kahit naiinis ay pinilit kong tumayo. Kailangan kong maligo dahil nababanas na ako. Pagdating sa kwarto ni Gene ay naabutan ko siyang isinasayaw ang anak namin habang nakasubo ang feeding bottle. Balak ko sana siyang kurutin ulit sa kadahilanang iniwan niya ako kaya lang parang nawala lahat ng inis ko dahil sa nasaksihan. Napangiti ako. I remembered what he promised. He said, he wanted to be a responsible father to our child. At unti-unti na niyang tinutupad ngayon.
Sa halip na magalit, nagtungo ako sa kaniyang walk-in closet at naghanap ng pwedeng isuot. May mga damit naman ako dito pero mas gusto kong isuot ang t-shirt niya. Mas komportable kasi. Ipinaghanda ko na rin si Gene ng kaniyang pamalit para hindi na siya mahihirapang maghanap mamaya.
Mabilis lang ang ginawa kong paliligo para makaligo na rin siya. Kailangan ko rin linisan si baby para mabango siya bago ko ibigay sa kaniyang lolo. Panigurado kasi oras na makita nito ang apo ay pupugpugin nito ng halik si Eren. Halatang sabik na sabik kasi sa apo. Kaya hindi pwedeng amoy lungad si baby namin.
Matapos maligo agad na nilapitan ko ang aking mag-ama.
"Ako na ang bahala kay Eren. Maligo ka muna," ika ko. Tumango naman siya bago dahan-dahang ipinasa sa akin ang bata. Bago tuluyang pumasok sa banyo, hinalikan niya muna kaming mag-ina sa noo. Although, may pahabol siyang isa sa aking labi. Adik e. Hinayaan ko na lang.
BINABASA MO ANG
He Owned Me At Seven
Ficção Geral*COMPLETED Ang storyang ito ay patungkol sa batang lalaki na si Gene. Siya ay umibig kay Vina na mas matanda sa kaniya ng pitong taon. Sa edad na pito ay niligawan niya ang dalaga ngunit hindi nito sineryoso ang kanyang panliligaw sapagkat para dit...
