Chapter 22

2.7K 76 11
                                    


(AN:  may third person point of view po ito which is yung flashback ng batang Gene. Nahirapan ako ikwento yung past kapag first person lang.)

SimpleJooni thank you sa flood votes.

***

"Vina, break up with him. He's not the right man for you." Sabi ni Gene kay Vina.

Nangingiwi namang napakamot ang dalaga sa ulo. "Gene kasi..." Nagpakawala sya ng malalim na buntong hininga bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Mahal ko si Kuya JP mo at sya ang tamang lalaki para sa akin." Aniya. Nakita nyang biglang manubig ang mata ng kaharap. Bahagya syang nataranta.

"N-no, y-you're wrong. He's a bad guy and ugly!  He'll hurt you, Vina."

"You're wrong, Gene. Mabuti syang tao..."

"N-no..." This time ay umiyak na si Gene ng tuluyan. Lalong nataranta si Vina kaya't agad syang lumuhod para yakapin ito at aluin. Mula sa malayo ay nakita nyang papalapit ang nag-aalalang yaya at body guard ni Gene pero sinenyasan nya itong sya na ang bahala.

"Gene... pwede mo naman akong maging kaibigan kahit na may boyfriend na ako. I can also be your Ate Vina." Pag-aalo nya pero mas lalo lang lumakas ang iyak nito. "Sorry."

"He can't have you, Vina." Nagulat ang dalaga ng kumawala ito sa kanyang pagkakayakap at saka sya pinakatitigan. "You don't deserve him. You deserve someone better and that someone is me."

"Gene..." Lalo syang nahirapan. Hindi na nya alam ang sasabihin. Parang matanda ang kanyang kausap sa mga oras na iyon.

"Sa akin ka nararapat Vina at sa akin ka lang dapat mapunta. Tandaan mo ito....." Pinunasan nito ang luha at muling sumeryoso ang mukha. Nakaramdam si Vina ng konting kilabot sa lamig ng mga titig nito sa kanya. "No one can own you Vina. Not him or any guy.


"Because from now on....

I declared you mine." Higit na nakakagulat ang sumunod na ginawa ng batang lalaki. Hinalikan nito sa labi ang natulalang dalaga bago tumakbo sa nakaparadang van. Huli na ng makarecover sa pagkabigla si Vina, nang tanawin nya ang kinaroroonan ng sasakyan nina Gene ay wala na ito doon.

"Kapal ng kutong lupa na iyon para halikan ka, talagang inunahan pa ako." Naiiling na may halong inis na turan ni JP sa kasintahan habang pinupunasan ang labi ni Vina. Si Gene ang first kiss niya, for some unknown reason ay nakaramdam sya ng kakaiba sa dibdib. She can't name the feeling pero alam nya rin sa sarili nya na nalulungkot sya para kay Gene. Naawa sya sa bata. Si Mariel naman ay nananatiling nakanganga dala rin ng pagkagulat.

'I'm sorry Gene.' Naisatinig na lang ni Vina sa sarili.

Samantala, sa sasakyan ay hindi naman magkandamayaw si Menggay kung paano patatahanin ang alaga. Nagpapapadyak ito sa loob ng van habang pumapalahaw ng iyak. Kung hindi nya alam ang nangyari, iisipin nyang inagawan ito ng laruan o di kaya ay hindi nabili ang gusto.

Pero iba ang sa kanyang alaga.

"UWAAAAHHHH YAYA!!" Atungal nito. Wala namang magawa ang yaya kundi aluin ang bata.

"Tahan na baby, okay lang yan." Aniya pero patuloy pa din ito sa pagliligalig.

"S-she dumped me! S-she chose that guy over me! Uwaaahhh" Nagpapadyak ulit ito. "Yayaaaaaa! Huhuhuhu."

"Gene, boyfriend nya si Jp, natural lang na piliin nya 'yon."

"B-but I am way better than him! I am rich! I-I can give her everything. I-If she want many dress, I can tell Daddy to buy her. I can borrow Daddy's card so we can go shopping. I can buy her candies and cakes! Anything she asks!" Sumbong nito sa pagitan ng hikbi.

He Owned Me At Seven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon