Oras para sa hapunan hindi ako lumabas para kumain. Nasa kwarto lang ako, nakahiga. Tulog si Eren kaya malaya akong humilata at magmuni-muni sa mga kaganapan sa 'king buhay. Ang nakakainis lang, hindi man lang nila ako pinilit kumain! Nasaan ang hustisya? Nagpapabebe lang naman ako. Kakain naman ako kung inaya nila ako. Feeling ko tuloy pinagkakaisahan nila ako.
Kani-kaini lang, nakatanggap ako ng text mula kay Gene. Tinatanong niya kung gising pa si Eren. Hindi ako nag-reply. Siguro sa aming dalawa, ako talaga ang immature. Ako ang madalas magtampo. Ako ang madalas na pabebe. Hindi ko naman itinatanggi ang bagay na 'yon at alam ko minsan sumosobra na ako.
Bukod sa aking pamilya, kay Gene ko lang naman ipinapakita ang ugaling iyon. Sa kanila lang ako madalas mag-tantrums kasi alam ko na hindi sila magagalit, sanay na sila. Ngayon, gusto kong magdabog. Naiinis kasi ako, lalo na kay Gene na hindi man lang ako tinatawagan para kamustahin. Hindi man lang ba niya nahalata na nagtatampo ako?? Nasaan na 'yong, 'kamusta ka na, babe? Kumain ka na? Miss na kita. I love you, babe,' puro wala na! Parang no'ng isang araw lang may payakap-yakap pa. Kesyo ayaw nang hindi ako katabi. Ano 'yon fake news? Nakakainis! Ang sarap niyang tirisin!
"Ate!" nagulat ako sa sigaw ni Erol mula sa labas ng aking kwarto. Inis akong bumangon.
"Bakit?" pagsusungit ko habang yakap ang aking unan.
"Ang mga rosas mo!" Napatayo ako bigla. Anong nangyari sa mga rosas ko?
"Anong nangyari sa mga rosas ko??" Hindi pwedeng masira ang mga bulaklak ko. Matagal kong iningatan ang lahat ng 'yon. Dagli kong binuksan ang pinto. Nakita ko si Erol na nakabusangot na nakatingin sa akin hawak ang kumpol ng mga rosas. Wala sa sariling napaismid ako. "Ano 'yan?"
"Pinabibigay ni kuya Gene. 'Wag ka daw magpalipas ng gutom kasi malulungkot siya."
"Siya ba ang nagdala niyan dito?"
"Hindi. Pina-deliver lang."
"Pwes! Sabi mo ayaw ko sa mga rosas niya!" Ibinalibag ko ang pinto.
"Ate, itatapon ko na ba?"
Aba't--
"Subukan mo! Isisilid talaga kita sa sako!" pasigaw kong sabi. "Itabi mo! Hindi ko kukunin 'yan kamo hanggang hindi siya ang nag-aabot sa 'kin!"
"Mama! Si ate parang bata!" sigaw nito na ikinairap ko.
"Wala kang paki!" Muli akong nahiga sa kama at nagtalukbong ng kumot. Hindi ko na narinig pang sumagot si Erol, marahil ay umalis na.
Muli akong nakatulog makalipas ng ilang oras. Bandang alas-kwatro ng madaling araw, nagising akong wala na sa kwarto si Eren kaya't agad akong bumangon para hanapin siya. Una kong pinuntahan ang kwarto nina Papa ngunit wala rin sila doon kaya't sunod kong tinungo ang silid ni Erol pero gaya ng iba, wala rin siya sa kwarto. Nakaramdam ako nang matinding kaba. Dali-dali akong bumaba sa kusina baka sakaling gising na sila subalit bigo akong makita ang kahit isa man lang sa kanila.
"Pa?" pagtawag ko, "Nanay? Erol?" Ngunit wala pa din. Bumalik ako sa kwarto para kunin ang aking cellphone. Baka kung saan lang sila nagpunta kasama si Eren. Baka nagsimba sila o naglakad-lakad.
Sinubukan kong i-dial ang number ni Nanay subalit unattended ito. Nang i-try ko ang kay Erol ay ganun din. Wala akong choice kundi tawagan si Gene.
"Babe?" sagot niya. Mukhang nagising ko siya dahil medyo paos ang kaniyang boses.
"Gene, hindi ko makita si Eren. Wala rin sina Papa dito sa bahay, hindi ko sila ma-contact. G-Gene, baka may dumukot sa kanila." Nagsimula na akong umiyak. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama kahit isa man sa kanila. "Natatakot ako. Pumunta ka dito, please."
BINABASA MO ANG
He Owned Me At Seven
General Fiction*COMPLETED Ang storyang ito ay patungkol sa batang lalaki na si Gene. Siya ay umibig kay Vina na mas matanda sa kaniya ng pitong taon. Sa edad na pito ay niligawan niya ang dalaga ngunit hindi nito sineryoso ang kanyang panliligaw sapagkat para dit...