Chapter 34

2.6K 85 21
                                    

Elma's POV

Tahimik ang buong finance department mula pa kaninang umaga ng dumating ako. Tinanong ko si Joyce kung anong nangyari ngunit maging ito ay nagtataka rin. Ang sabi lang niya ay nadatnan daw nila si Vina na seryosong nagtatrabaho habang namamaga ang mga mata. Sinubukan daw nila itong kausapin pero hindi naman daw ito umiimik kaya hinayaan na lang.

Naalala ko yung nangyari kahapon ng umaga, nakasalubong ko sya palabas ng building habang umiyak. Tatawagin ko sana ngunit mabilis itong nakasakay ng jeep. Kutob ko na nag-away ito at si Sir Gene at kung ano man ang pinag-awayan nila, mukhang malaki kaya naging ganito ang epekto kay Vina. Hindi nito sinasabi at mukhang balak kimkimin lahat.

Naaawa ako sa kanya dahil buntis sya at makakasama sa kanya ang ma-stress. Kaya naman ng mapagsolo kami sa office ay nilapitan ko siya at niyakap. Ilang segundo lang ang lumipas ng magsimula na siyang umiyak sa balikat ko.

"E-Elma.." Panimula niya sa kabila ng mga iyak. "A-Ayaw na sa akin ni Gene. H-Hindi na nya ako mahal." Sumbong niya. Ramdam ko ang sakit sa bawat paghikbi niya. Wala naman akong nagawa kundi ang haplosin ang buhok nya upang pagaanin ang loob. Hindi ko alam kung anong rason kung bakit ayaw na sa kanya ni Sir Gene, pero sana naman hindi totoo. Alam ko na mahal na mahal nila ang isa't-isa at saksi kaming buong finance department sa relasyon nila.

"Ano bang nangyari?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. Humiwalay sya sa akin at nakatungong humihikbi. Kagat-kagat niya ang labi para siguro pigilan ang paghagulhol habang ang mga kamay ay panay ang kuskos sa tuhod.

"G-Galit siya sa akin at hindi ko alam kung bakit. E-Elma..masama ba akong tao?" Tanong niya. Naaawang umiling ako, isa si Vina sa pinakamabuting tao na nakilala ko.

"Hindi Vina. Napakabuti mo." Sagot ko.

"E bakit ayaw na niya sa akin? A-ayaw na nya sa amin ng anak ko. H-Hindi na daw niya alam kung mahal pa niya 'ko. E-Elma...hindi ko kaya. Mahal na mahal ko siya." Nangininig ang boses na wika niya. Nagsimula na naman siyang humagulhol.

"Sshh.. Tahan na Vina, masama sa'yo ang ma-stress."

"B-Bakit lagi na lang akong iniiwan. Bakit walang magmahal sa akin ng buo? Bakit lagi na lang akong sinasaktan?"

Hindi ako nakasagot.

Hindi ko alam.

Ang tanging alam ko lang ay tanga ang mga lalaking nang-iwan sa kanya. Wala silang kwenta.

Niyakap ko siyang muli para patahanin.

"Vina, tahan na. Gago siya. Hindi mo dapat siya iniiyakan."

"M-Mahal na mahal ko siya, Elma. Hindi ko kayang mawala siya."

"Sshh.. Naiintindihan ko. Pero kailangan mong tumahan." Wika ko. Naramdaman ko naman na pilit nyang pinapatahan ang sarili sa kabila ng mga hikbi. Ilang segundo lang ang lumipas ng maramdaman kon bumigat ang aking balikat. Iniharap ko siya sa akin at nakita kong nakapikit ang kanyang mga mata. "V-Vina.." Bahagya ko siyang tinapik pero hindi ito sumagot. "V-Vina sumagot ka." Panay ang yugyog ko ngunit nananatili itong walang galaw. "Tulong!" Sigaw ko. Nawalan siya ng malay! "Vina gumising ka!"

Inabot ko ang cellphone niya at humanap ng pwedeng tawagan. Nakita ko ang Baby sa caller niya, nasisigiro kong si Sir Gene 'yon kaya't nagdial ako. Ngunit nakakailang ring na ay hindi pa rin nito sumasagot. Inis na pinindot ko ang end at sinubukan namang kontakin si Samuel.

"Hello Vina?" Sagot agad niya.

"S-Samuel, si Elma 'to. Pwede mo ba kaming puntahan ni Vina dito sa Finance? Hinimatay kasi siya. Please pakidalian." Sabi ko.

He Owned Me At Seven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon