AN: Paunawa, ang chapter na ito ay medyo malandi. Mahaharot po ang ating mga bida kaya pagpasensyahan nyo na lang po.
This chapter is dedicated mitchsh jaspherjean04 llallillollu for your votes and comments. Thank you soooo much!
***
Nang makabalik ako sa second floor ay agad kong tinapos ang mga pino-photocopy ko at dinala iyon sa dapat na pagdalhan. Ipinanghuli ko ang sa CEO dahil sabi naman sa akin ni Ms. Heidi ay bukas pa naman daw yun babasahin ni Gene.
Habang nasa elevator ako paakyat ng twenty-fifth floor ay di ko maiwasang alalahin ang nangyari kanina. Ang tapang-tapang kong sagutin yung Jemaru na iyon. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan ko nahugot ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Pero kahit na ganon ay wala akong nararamdaman na pagsisisi. Sa tingin ko naman ay tama lang na ipaglaban ko ang kung ano man ang meron sa amin ni Gene.
Pagbukas ng elevator sa twenty-fifth floor ay may nakasalubong akong lalaki na ngayon ko lang nakita. Matangkad ito na sa tingin ko ay higit sa anim na talampakan ang taas at makisig ang pangangatawan. Sa wari ko rin ay matanda ito kay Gene, mukhang nasa 30's na sya. Halata ring may lahi dahil wala akong mabahid na kahit konteng pagkapinoy sa lalaki, mas lamang ang itsura nitong banyaga. Tumingin ito sa akin kaya't bahagya ko syang tinanguan at nginitian.
Akmang lalampasan ko na sya ng tawagin nya ako.
"Excuse me." Aniya habang nakasilid sa isang bulsa ng pants nito ang kamay. Seryoso ang itsura nito pero mahahalata mong may pagka-playful ang personality nya base sa mata nya.
"Yes sir?" Tanong ko na may halong pagtataka.
"Are you working here?" Tanong niya.
"Yes sir."
"Really?" Ngumiti ito at naglakad palalapit sa akin. Napansin ko na may biloy ito sa magkabilang pisngi na masasabi kong isa sa mga asset niya. Ang mga mata nya ay tama lang ang laki at ang kilay ay medyo makapal pero bumagay naman dito. In short, gwapo sya sa paningin ko. "Done checking me out?"
Bigla'y napakurap ako. Nakakahiya, masyado pa lang matagal ang pagtitig ko sa kanya.
Tumikhim ako. "How can I help you, Sir?" Tanong ko sa kanya pero higit sampung segundo na ang nakalipas ay nananatiling nakatingin lang sya sa akin. "I'm sorry Sir, if you don't need anything I need to go now. Mr. Ceo is waiting for this documents." Ipinakita ko sa kanya ang mga bitbit kong papel. Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi sa di ko malamang dahilan.
May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Is that so? Can I wait you here?" Tanong niya. Napataas ang aking kilay. At bakit naman kaya? Mukhang nahalata naman nya ang aking pagtataka dahil napakamot ito sa ulo. "My nephew doesn't want to accompany me here so, can you help me tour around the building." Sabi pa nya.
Nephew? Pamangkin nito si Gene?
"Ahm sir--" Sino ba sya?
"My bad, I forgot to introduce myself to you. My name is Ricci Revello and you are?" Sabi nya bago inilahad ang kamay.
"I'm V---" Hindi natuloy ang sasabihin ko ng biglang may likod na humarang sa harapan ko, base sa amoy at tikas ng tindig ay kilalang-kilala ko na kung sino, si Gene.
"Let me tour you around Uncle Ric." Narinig kong sabi ni Gene.
"I thought you're not free?" Takang tanong ng lalaki.
Nagkibit-balikat si Gene. "I changed my mind, com'on."
"Wait, you're blocking her, she's about to tell her name." Anito na pilit sinisilip ako sa likod ni Gene pero panay naman ang harang sa akin ng huli.
BINABASA MO ANG
He Owned Me At Seven
Fiksi Umum*COMPLETED Ang storyang ito ay patungkol sa batang lalaki na si Gene. Siya ay umibig kay Vina na mas matanda sa kaniya ng pitong taon. Sa edad na pito ay niligawan niya ang dalaga ngunit hindi nito sineryoso ang kanyang panliligaw sapagkat para dit...