Chapter 15

4.7K 98 10
                                    

Little Gene: Vina can I kiss your lips?
Vina: huh?! San mo natutunan yan??
Little Gene: I saw that guy, he touched her gf's hand then kissed. Is that how a boyfriend treat her gf? Can I also do that to you? *inocent
Vina: hindi pwede! Bawal yun sa mga bata!
Little Gene: then, maybe when I grow older??
Vina: *facepalm

OOPPPSSS!! This is not yet the update, yung susunod pa. Naisingit ko lang. I just want to say sorry for slow update, ilang linggo lagi bago ako makapag-update. Pero salamat dahil naghihintay kayo. Thank you sa mga nagbabasa at bumoboto sa story na ito.

So eto na...

***

Vina's POV

"Baby, you don't know how happy I am today. Finally, you're officially mine." Nakangiting wika ni Gene habang nagmamaneho. Pauwi na kami at sabi nya ay ihahatid nya daw ako. Gusto nya rin kasing ipaalam kina Nanay at Papa na kami na. Finally ay boyfriend ko na sya. Sabi ko ay bukas na lang pero gusto nya ngayon talaga. Yun daw kasi ang napag-usapan nila ni Papa.

"Masaya din naman ako. Hindi ko in-expect na yung batang bubuntot-buntot sa akin noon ay boyfriend ko na ngayon. "

"Same here. I thought, I will never see you again. Maybe, we are really destined to each other." Nakangiti nyang sabi.

Nagpakawala ko ng isang buntong hininga.

"Why?" Takang tanong niya pero nakangiti pa din.

"Kung pwede sanang ilihim muna natin ito." Sabi ko. Biglang nawala ang ngiti nya at namayani ang katahimikan.

"Why?" Tanong nya ng makabawi sa sinabi ko.   Nagpakawala ako ng isa na namang malalim na buntong hininga.

"Hindi pa ako handa na may makaalam. Siguro mas mabuting sa atin lang muna ito?" Sabi ko. Biglang kumunot ang kanyang noo sa narinig.

"Are you saying that we should keep our relationship secret?" He asked.

"Sana.." Tumungo ako.

"No." Diretso nyang sagot kaya't napaangat ako ng tingin. Alam kong hindi sya papayag. Knowing him, he's outspoken. At alam ko ding bukas na bukas ay ipapaalam nya sa kompanya na kami na. Ayoko ng ganon. Gusto ko ng tahimik na relasyon. Ayoko muna ng komplikasyon.

"Pero Gene.."

"I want the whole world to know that you're off-limit. That, you are finally mine, Vina. Akin ka na at di pwedeng agawin pa. Lalo na sa Marvin at Robles na iyon." Sabi niya. Wala namang aagaw sa akin eh. Hindi naman nanliligaw sa'kin si Samuel at Marvin.

"Kasi..."

"Give me a valid reason why we should keep this secret?" Seryosong sabi nya.

Muli akong napatungo. Hindi agad ako nakapagsalita. Ano bang dapat kong sabihin? Hindi ba ako magiging OA? Pero hindi pa talaga ako handa. Oo nga't proud akong kami na ni Gene, na yung lalaking gwapo, mabait, ma-appeal, dedicated sa trabaho at mahal ako ay pag-aari ko na. Gusto ko rin syang bakuran mula sa mga babaeng pwedeng umagaw sa kanya mula sa akin, pero hindi pa sa ngayon. Gusto ko munang i-enjoy yung sandaling kasama ko sya, na walang iniintinding pwedeng sabihin ng iba. Yung malaya mula sa mga mapanghusgang tao at sa mga taong pwedeng humadlang sa amin tulad ni Sir Eubert. Hindi ko alam kung matatanggap nya ako para sa anak nya, knowing na mahirap lang ako at ang laki ng agwat ng edad namin ni Gene. I can't take the risk, just not now. Hindi ko pa kaya.

"Vina?" Aniya na parang naiinip.

"Gene, natatakot ako." Pag-amin ko. "Alam kong malaki ang magiging epekto kapag may nakaalam na may relasyon tayo, pwera sa mga magulang ko. Natatakot akong mahusgahan, natatakot ako sa pwedeng sabihin ng iba at ipamukha sa akin na hindi kita deserve. Ayoko munang makarinig ng kahit ano. Ayaw kong maging usap-usapan at lalong higit s lahat ayokong masira agad ang isang bagay na hindi pa man lang nauumpisahan. Ngayon lang ulit ako susubok magmahal, Gene kaya natatakot akong masira agad ang kasiyahang nararamdaman ko. Paano kung may humadlang? Paano kung ilayo ka nila sa akin? Paano kung.."

He Owned Me At Seven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon