Chapter 8

5.4K 114 19
                                    

"Wow naman! May pa-bouquet na naman si Ateng!!" Narinig kong sabi ni Russel na nakaupo sa di kalayuan, paniguradong ako na naman ang kanyang pinariringgan. Paano ba naman kasi, mayroon na namang kumpol ng mga rosas sa ibabaw ng aking lamesa tulad ng mga nagdaang araw.

"Sino kayang nagbigay?" Parinig naman ni Joyce na syang katabi ni Russel.

"Baka naman may masugid nang manliligaw ang ating friend!" Segunda naman ni Elma.

Hindi ko pinansin ang kanilang mga pahaging, sa halip ay binuklat ko ang card na nakakabit sa pinakatali ng bulaklak. Kulay pink iyon na may mabangong amoy, naglalaman ito ng isang mensahe na sinulat gamit ang kamay.

'Hope you like the flowers.'- G

Tinanggal ko ang card saka inihagis sa basurahan sa tapat lang din ng aking lamesa. Ganon naman lagi, babasahin ko lang ang nakasulat pagkatapos ay itatapon ko na.

"Ay taray! Kunyare ayaw." Joyce

"If I know, Kinikilig yan.."- Elma

"Pakipot pa kasi, nalimutan atang makunat na." Pasaring na naman ni Russel.

"Hoy grabe ka naman sa ating friend!" Narinig kong suway ni Elma kay Russel.

"Joke lang ateng, peace!" Sabi nya sa akin na nginitian ko lang bilang sagot.

Narinig ko silang parang nagsisisihan subalit binaliwala ko lang at tinuon ang aking atensyon sa computer. Napapansin ko kasi, simula nung makatanggap ako ng mga bulaklak galing kay Gene ay palagi ng nagpaparinig sa akin si Russel. Kesyo ang haba daw ng hair ko, ang bongga daw ng manliligaw ko kasi araw-araw may pabulaklak, minsan pa sinasabi nya baka daw ginayuma ko. Lagi naman nyang dinudugtungan ng Joke pero para sa akin ay iba ang dating non. Nakakainsulto.

Hindi ko alam kung alam nyang si Gene ang nagpapadala sa akin ng mga bulaklak o sadyang trip nya lang pasaringan ako. Pakiramdam ko kasi ay may idea sya kung sino, hindi nya lang sinasabi. Madalas ko din syang nahuhuling nakatingin sa akin na para bang inaabangan nya ang bawat kilos ko.

Kaibigan ko si Russel pero hindi ko sya lubusang pinagkakatiwalaan, maging kina Joyce at Elma ay guarded ako. Mahalaga silang tatlo sa akin pero hanggang doon lang iyon. Hindi ko kayang magtiwala sa kahit sino. Sapat na sa aking may nakakausap ako.

Bandang alas-diez ng umaga, lumabas ako sandali para bumili ng kape sa katapat na starbucks. Nagugutom ako kaya namaalam ako sa head kung pwede akong lumabas sandali dahil talagang mahapdi na ang aking sikmura. Hindi kasi ako nakapag-agahan kanina dahil tinanghali na naman ako ng gising. Kung hindi pa ako binulabog ng katok ni Erol ay baka tuluyan na akong hindi nakapasok.

Pagpasok sa starbucks ay agad akong pumila para makaorder. Habang iniintay ang aking frappe, naupo muna ako sandali sa may sulok at nagmuni-muni.

Dalawang linggo ng nanliligaw si Gene sa akin, dalawang linggo na rin akong nakakatanggap ng bulaklak mula sa kanya. Paminsan-minsan ay hinahatid nya ako pauwi pero madalas ay tinatanggihan ko.

Hindi ko maintindihan, sa kabila kasi ng pag-iwas ko kay Gene ay mas lalo atang umuusbong ang anumang espesyal na pagtingin ko sa kanya na pilit kong binabaliwala.

Sino ba naman ako para hindi madala sa mga effort nya? Sya ata yung tipo ng lalaking nakalulon ng isang sakong asukal sa sobrang ka sweet-an, minsan nga hindi ko maiwasan at harap-harapan na akong kinikilig. Buti na lang at mabilis ko ding mawawaglit.

Siguro kung magkalapit lang kami ng edad, baka pinatulan ko na sya. Isang karangalan ang mahalin ng isang Gene Carbonel ngunit isa ring malaking pagsubok para sa akin. Hindi lang dahil sa agwat ng aming esad, maging sa estado ng aming buhay. Hindi ko man masyadong nakakasalamuha si Sir Eubert dati, napapansin ko ang pagkagusto nya sa mga mayayamang babae. Narinig ko ring kinakausap nya ang mga ito at sinasabihang makipagkaibigan sa kanyang nag-iisang anak, na noo'y wala akong ideya na si Gene. Kaya sa tingin ko ay malabo nya akong magustuhan kung sakali.

He Owned Me At Seven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon