Chapter 7

6.6K 140 9
                                        

"Today, we're going to have an activity by partners and I want you to create a scenario wherein you can show us the meaning of courtesy. Each partner will present their scenario and one will explain it to us." Sabi ng english teacher ko. Alas-tres na ng hapon at panghuling subject ko na ito. "Go find your partners." Sabi pa ni Ma'am Rivas.

Luminga-linga ako para sana tawagin si Mariel, yayayain ko syang partner kaso ay nalapitan na sya ni Jex, manliligaw nito. Ayaw ko namang maging sagabal para kay Jex kaya't hinayaan ko na lang sya.

"Vina, tayo na lang ang partner. Ayos lang ba?" Napalingon ako kay Art na syang nagsalita.

"Oo naman. Ano bang ipe-present natin?" Nakangiting tanong ko. To describe Art, matangkad sya at masasabing gwapo pero medyo payat. Mabait naman sya at friendly kaya naman madami ring nagkakagusto sa kanya.

"Ahmm ganito na lang.." Ikinuwento nya ang scenario na gagawin namin. Ayon kay Art, kunwari ay magkakabungguan kami at magagalit ako kasi ay natapon ang aking dala at siya bilang mabait ay hihingi ng dispensa.

"Okay ba yun?"- Art

"Ayos naman. Sige yun na lang ang gawin natin.

Gaya ng sabi ni Ma'am Rivas ay pinagpresent nga ang bawat pares. Lima na ang nagpresent at kami na ang susunod. Nang tinawag na ang aming pangalan ay tumayo na kami at nagpunta sa una.

"Good afternoon I'm Art and this is my partner Vina, today we're going to present a scenario about courtesy." Panimula ni Art.

"Okay proceed." Sabi ni Ma'am.

Tumingin ako sa kamay ni Art para sa kanyang signal. Nang makita ko syang pasimpleng nagthumbs-up ay nagsimula na kami.

Naglakad ako at sya naman ay tumakbo kung saan kapwa hindi nakatingin sa daan kung kaya't nagkabanggaan kaming dalawa sanhi para ako ay mapaupo sa sahig at tumilapon ang aking mga gamit.

"Ouch!! Hey, are you you blind?! Look at what you've done to my things!!" Galit kong sigaw sa kanya.

"I'm sorry Miss." Sabi ni Art na akmang tutulungan akong tumayo nang biglang may sumigaw.

"Vina!" Lahat kami ay napalingon sa pintuan kung saan naroroon si Gene. Tumakbo sya papalapit sa akin saka marahas na itinulak si Art.

"Hey!" Tila gulat na reaksyon ni Art dahil sa pagkakatulak sa kanya nito. Samantala, si Gene naman ay tinulungan akong makatayo.

"What did you do to her?!" Galit na sigaw ni Gene sanhi para magtawanan ang aming mga kaklase. Nasa unahan ko sya na para bang kino-cover-an ako. Nakapustura pa sya na oarang susuntok.

Cute. Pero hindi ito ang oras para purihin ko sya.

"Gene wala syang ginawa." Bulong ko pero hindi sya nagpatinag. Lumingon ako kay Ma'am para humingi ng dispensa sa nangyari na tinanguan naman nito. Samantala, nabasa ko sa buka ng bibig ni Art ang 'Go with the flow' kaya't hinayaan ko na lang sya.

"I'm sorry kiddo, it was an accident. I didn't mean to push your sister."

"She's not my sister and don't call me Kiddo!" Bwelta ni Gene. Tuwang-tuwa ang mga kaklase namin kay Gene dahil sa bigla nyang pag eksena, kung tutuusin, marami rin ang naku-cute-an sa kanya isa na ron si Ma'am kaya malaya itong nakakapasok sa klase ko. Nung una nga ay pinaulanan ito ng kurot sa pisngi kung kaya't lumabas ito ng klase ko na namumula at nakasimangot.

Sinasabi pa nya na 'Cute are only for the dogs'

"I'm sorry.. Ahmm as I was saying it was just an accident. We bumped and she fell. I was about to help her when you came."- Art

He Owned Me At Seven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon