(This is very short extra chapter.)
Two year years later..
"Dada! Dada! I want milk! Milk!" sigaw nang anak kong Eren na kasalukuyang umiiyak.
"I'm coming, Princess!" Dali-dali kong tinapos ang pagtitimpla ng gatas saka patakbong nagtungo sa salas kung saan ito naroroon.
Nakaupo siya sa sahig habang umiiyak kasabay nang pagpadyak ng dalawang paa. Puno ng luha ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Saglit kong ibinaba ang bote para buhatin siya.
"Princess, stop crying na, okay? Dada is already here." Pinugpog ko siya ng halik. This is how I pamper her. I kissed her non-stop until I heard her soft giggle, titigil na siya sa pag-iyak. Nakikiliti kasi siya sa balbas ko na hindi naman kahabaan at kakapalan.
Inabot kong muli ang gatas, "here's your milk." Tinanggap naman niya ito at sinimulang inumin. Eren preferred drinking her milk in a bottle rather than in a glass. Marunong naman siya sa baso, ayaw lang talaga niya uminom doon for unknown reason. Hinayaan na lang namin ni Dad. We spoil her kasi, well, except her mom. She always put limits sa mga bagay na binibigay namin kay Eren. Para daw hindi mamihasa. Kaya kung minsan, patago na lang namin siyang binibilihan ng laruan ni Dad. He also can't stop buying things for his little pumpkin. Pagalingan na lang kaming magpuslit. Iyon nga lang, mas matinik makaamoy ang asawa ko. Minsan na kaming nahuli ni dad. Geez~ until now, I still can't forget that moment when dad and I face her anger. Nakakatakot.
It was already nine o'clock that time when I saw my new secretary, I have a new one because Aunt Heidi finally stepped down from her position as my secretary one year ago. As of now, she's busy travelling abroad, enjoying her life as a senior. And she was replaced by Danica, my new secretary. She's married and a mother of two children.
Nahuli ko siyang nagba-browse sa cellphone oras ng trabaho. Balak ko sana siyang pagalitan, pero nang makita ko ang tinitingnan niya, bigla akong naging interesado.
"Ms. Danica," I called her. Dali-dali naman nitong itinago ang cellphone sa drawer na nasa ilalim ng mesa.
"S-Sir? May kailangan po kayo?" Ramdam ko ang nerbyos niya sa pag-aakalang pagagalitan ko siya.
"I saw you browsing on your cellphone."
"S-Sorry po, sir. H-Hindi na po mauulit." Nanatili akong seryoso.
"Can I see your phone?"
"Po?"
"May I see your phone?" Kahit nagtataka ay inabot nito sa aking ang cellphone. Nag-scroll ako nang nag-scroll hanggang sa mahanap ko ang bagay na siyang pumukaw sa atensyon ko kanina. "About this.." Ihinarap ko ang cellphone kay Ms. Danica para ipakita ang larawan. "How can I get this?"
"Ho?" Hindi siya makapaniwala.
"I'm asking you kung paano ko ito makukuha? By the way, is this an online store? What do you call this?"
BINABASA MO ANG
He Owned Me At Seven
General Fiction*COMPLETED Ang storyang ito ay patungkol sa batang lalaki na si Gene. Siya ay umibig kay Vina na mas matanda sa kaniya ng pitong taon. Sa edad na pito ay niligawan niya ang dalaga ngunit hindi nito sineryoso ang kanyang panliligaw sapagkat para dit...
