Chapter 5

7K 158 19
                                        

"Isa ngang Tequila." Utos ko sa bartender na syang nasa harap ko ngayon. Dito sa Head Bang ako nagdiretso pagkatapos kong kausapin si Ate Menggay. Maglalasing ako dahil nadi-depressed ako sa mga pangyayari. Naiinis ako sa mga katangahan ko ngayong araw. Sino ba kasing matinong empleyado ang mumurahin ng harapan ang boss? Baliw lang ang gagawa non.

At isa akong baliw.

Ganito yata kapag tumatanda na, bumobobo at nagiging aligaga. Eto siguro ang epekto kapag nape-pressure ka na sa paligid mo, kung ano-anong kapalpakan ang nagagawa.

Idagdag mo pa yung pakiramdam na parang mag-isa ka lang at walang dumadamay sayo. Walang nagpapayo at sasabihing mali ang ginawa mo. Ayoko namang sabihin kina Papa at Nanay, masyado kasi silang bilib sa akin. Madidisappoint lang sila kapag sinabi kong mawawalan na ako ng trabaho.

Kung meron sana akong boyfriend man lang na ko-comfort sa akin. Kahit hindi na asawa, kahit boyfriend lang pwede na. Para lang hindi ako maging katawa-tawa sa kabila ng edad ko.

Bakit kasi wala akong mahanap na karapat-dapat? Yung sa tingin ko, seseryosohin ako. Yung hindi magagawang saktan ang isang tulad ko.

  Maganda naman ako, sexy at may trabaho. Hindi naman ako magiging pabigat kung sakali. Magiging mabait akong girlfriend, hindi ako maghihigpit, hindi ako magloloko o titingin man lang sa iba. Magiging loyal ako sa kanya.

Nagawa ko na naman lahat yun dati eh. Bakit niloko pa din nila ako? Bakit nagawa pa din nila akong ipagpalit? Hindi pa ba ako sapat? Kulang pa ba ang pagmamahal na binigay ko? Promise, mahanap ko lang yung karapat-dapat para sa akin, mag-e-extra effort pa ako.

Sabi nila mapili daw ako kaya hanggang ngayon single pa ako. Hindi nila alam, may rason kung bakit ako ganito.

Dahil naranasan ko ng maloko. Naranasan ko ng ipagpalit sa iba at sobrang sakit non. Akala ko hindi ko kakayanin.

At yung kaibigang dapat na tatakbuhan ko, nasaan sya? Nandon sa lalaking iniiyakan ko!

Mga walang hiya sila. Sila ang rason kung bakit hanggang ngayon single pa din ako. Sila ang rason kung bakit hindi ko magawang ipagkatiwala ang sarili ko sa kahit sino. Para sa akin walang matinong lalaki at walang tunay na kaibigan! Lahat sila manloloko!

"Isa pa!" Sabi ko don sa bartender na nakatingin lang sa akin. Psh. If I know, pinagtatawanan nya na ako ngayon.

"Ma'am madami na po kayong nainom. Wala naman kayong kasama para alalayan kayo pauwi." Sabi ni kuyang bartender. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Eh ano ngayon kung wala akong kasama? Required ba ha? Required?? Kaya ko ang sarili ko!"

"Ma'am nag-aalala lang naman po ako sa inyo." Napakamot sya sa ulo saka muli akong inabutan ng isang baso.

"Alam mo ba..." Kinausap ko yung bartender. Naiiyak na naman kasi ako. "Kanina, minura ko yung boss ko... N-nagulat lang naman ako eh... H-hindi ko naman sinasadya.. K-kung hindi ako nagulat, h-hindi ko mababanggit yon. Nang dahil sa bibig ko, mawawalan na ako ng trabaho huwaaahh." Tuluyan na akong umiyak sa harap nya. Wala akong paki kung maweirduhan sya sa akin basta kailangan ko ng kausap.

"Hindi ka naman siguro tatanggalin ng boss mo." Pag-aalo nya pero umiling ako.

"Galit sya sa akin. Nakita ko kanina huhuhu." Humagulhol na ako. "Malas na nga sa pag-ibig. Malas pa sa trababo!"

"Hindi naman siguro ganon kababaw ang boss mo para tanggalin ka kaagad sa trabaho nang dahil lang sa minura mo sya. Baka warning-an ka lang. At yang pag-ibig, huwag kang mainip ma'am, dadating din ang lalaking para sa'yo. Naniniwala akong hindi ka tatandang dalaga." Sabi nya sanhi para kumunot ang noo ko.

He Owned Me At Seven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon