Isang katok ang nagpahinto sa akin sa pagbabalik tanaw. Si Yaya Menggay, nakasilip sya pinto ng aking kwarto na bahagyang nakabukas.
"How is she?" Tanong ko.
Lumapit sya sa akin ng dahan-dahan saka ako tinabihan sa kama. I know she wants me to tell her everything, why I brought her here.
"Tulog na tulog." Sagot nya. "Bakit lasing na lasing si Vina?"
"I don't know. She's already drunk when I saw her." Sagot ko na tinanguan nya.
"Maganda pa rin sya. Walang pagbabaho kahit na trenta'y uno na sya. Mukha pa rin syang bata." Komento nya habang nakatingin sa larawang nasa tabi ng aking kama. Picture namin yon ni Vina when she's fourteen and I was only seven years old back then. I remembered, sinabihan ko si Yaya na pasimple kaming kuhanan ng litrato. Nahihiya kasi akong magpapicture sa kanya kaya ginawa kong patago na lang. "Pero matanda pa rin sya para sa iyo."
"It's just a number, Ya. It doesn't matter to me." Sabi ko. Wala akong paki kung mas matanda sa akin si Vina. Siya ang babaeng gusto ko at hindi na magbabago yon.
"Sa iyo hindi, pero kay Vina, oo." Napalingon ako sa kanya nang sabihin nya iyon. Bakit kailangang gawing big deal ang edad pagdating sa pag-ibig? Hindi ba pwedeng tanggapin na lang kung sino ang dumating, kahit pa anong edad nya?
"She will love me." Kompyansa kong sabi dahil gagawin ko ang lahat para mahalin nya ako. Ang tagal ng panahong hinintay ko para lumaki at maging karapat-dapat para sa kanya. Hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito na makuha siya.
"Alam mo ba kung bakit tumanda akong dalaga?"
"Dahil mas pinili mong alagaan ako kaysa magkaroon ng sariling pamilya?" Sagot ko. Sya na kasi ang tumayo kong ina matapos mamatay ni Mommy dahil sa isang pangyayaring ayoko ng maalala pa. Yun din ang rason kaya buong buhay ko may kasama akong mga bodyguards. Nawala lang sila nang tumuntong ako sa edad na bente-uno.
"Isa iyon sa mga rason. Napamahal na ako sayo, itinuring na kitang parang sarili kong anak pero bukod doon, may isa pang rason." Na-curious ako sa isa pang rason na tinutukoy nya. Kung ganon, may iba pa palang dahilan kung bakit nanatili sya sa aking tabi.
"Naaalala mo yung batang lalaking kinukwento ko sa iyo noon? Yung nagkagusto sa babaeng mas matanda sa kanya?" Panimula nya.
"Yung Prince at Commoner?" Tumango siya. Syempre natatandaan ko iyon dahil yon ang naging rason kung bakit ako nagkaroon ng interest sa babaeng mas may edad sa akin. Nung bata ako, madalas akong kwentuhan ni Yaya Menggay ng bed stories para makatulog. At isa sa mga naikwento nya ay ang istorya ni Bino, ang prinsipe at Ami isang dukha. Nagmamahalan sila sa kabila ng agwat ng kanilang edad. Si Ami ay isang katulong sa kaharian kung saan naninirahan si Bino. Kinse pa lang si Ami ng makilala nya ang prinsipe na noo'y nagdidiwang ng ikawalong kaarawan.
Naging matalik na magkaibigan sila hanggang sa lumaki na ang prinsipe. Niligawan nya si Ami na noo'y bente kwatro na habang siya ay desi-siete lang. Nagkaroon sila ng lihim na relasyon ngunit agad ding nabunyag ng minsang may nakakita sa kanila na nagyayakapan.
Pinagbintangan si Ami na isang mapagsamantala dahil pinatulan nya si Bino. Pinakalat ng mga magulang ng prinsipe sa kanyang nasasakupan na si Ami ay isang desperada na sabik ng mag-asawa kung kaya't kahit bata ay pinatulan na.
Naging usap-usapin sa buong lugar ang tungkol sa relasyon ni Bino at Ami ngunit ang labis na naapektuhan ay ang dalaga. Abot-abot ang kutyang natatanggap nya mula sa mga taong nakakasalamuha nya.
Hanggang sa napagdesisyonan nyang hiwalayan na lang ang prinsipe.
"Why did you asked?"
"Ako ang babaeng iyon." Nagulat ako sa rebelasyong sinabi nya, hindi sumagi sa isip ko na pwedeng sya ang babaeng tinutukoy sa kwento.

BINABASA MO ANG
He Owned Me At Seven
Genel Kurgu*COMPLETED Ang storyang ito ay patungkol sa batang lalaki na si Gene. Siya ay umibig kay Vina na mas matanda sa kaniya ng pitong taon. Sa edad na pito ay niligawan niya ang dalaga ngunit hindi nito sineryoso ang kanyang panliligaw sapagkat para dit...