Alas-otso na ng umaga nang maalimpungatan ako sa mahihinang katok na nagmumula sa labas ng aking kwarto. Pagbaba ko ng kama ay muntik ko ng maapakan si Gene na doon nga pala nakahiga. Tulog na tulog pa sya habang nakadapa at maririnig mo ang mahihina niyang hilik. Naalala ko kagabi, nakatulog ako sa kakaiyak at si Gene, hindi sya umalis sa tabi ko hangga't hindi ako okay. Nasa tabi ko lang sya, bukod doon ay ipinahiram pa nya sa akin ang kanyang unan. Nung una ay nagkunwari akong ayokong gamitin ang pero hindi sya naniwala kasi panay daw ang titig ko don at halatang gusto kong angkinin. Medyo napahiya pa nga ako pero hindi ko na lang ipinahalata.
Totoo naman hehehe.
Lumapit ako sa pintuan para pagbuksan si nanay na alam kong sya ang kumakatok.
"Buti at gising ka na. Halika at nandito na yung katrabaho mong si Elma kasama yung boyfriend." Sabi ni Nanay kaya naman sumama ako sa kanya sa baba na hindi alintana ang sabog kong buhok.
"Hi Friend! Uso magsuklay!" Natatawang sabi ni Elma nang makababa ako sa sala. Magkatabi silang nakaupo sa sofa ng boyfriend niyang si Carlo na kilala ko na. Minsan kasi ay sinusundo nito si Elma sa trabaho.
"Ang aga nyo naman." Nasabi ko na lang saka dumiretso sa kusina para maghilamos at magsepilyo. Sumunod naman sa akin ang dalawa.
"Syempre. Tutulong kami sa pagluluto at paghahanda kasi kung hindi mo natatanong ay magaling magluto itong si Boyfie ko."- Elma
"Ganon ba? Salamat." Sabi ko saka kumuha ng mga tasa. "Magkape muna kayo habang niluluto pa ni Nanay ang agahan."
"Sige. Medyo nangangasim na rin ako." Sagot naman ni Carlo.
Gaya ng sabi ko ay nagtimpla na ako ng kape para sa aming tatlo saka inabot ang para sa kanila. Buti na lang at may pandesal na nabili si Papa mula sa naglalako kanina.
"Nasan yung kapatid mo? Ba't parang hindi ko nakikita?"- Elma
"Ewan ko rin." Sagot ko.
"Kasama ni Tiya Saleng mo. Magsisimba daw muna." Sagot naman ni Nanay na tapos na palang magluto. Ibinaba nya sa mesa ang sinangag at pritong itlog. Meron ding tuyo at hotdog.
Tumayo naman ako para kumuha ng mga plato na sya naming kakainan.
"Ay Friend, nung isang araw pa ako natatakam sa tuyo." Sabi ni Elma na agad kumuha at inilagay sa plato.
"Hahaha kung sinabi mo edi sana binigyan kita nung isang araw. Nagdala dito sina Tiya Saleng ng isang kilo. Yun nga lang ubos na. Eto na lang ang natira." Natatawa kong sabi.
"Aww sayang!" - Elma
"Nak, akyatin mo muna si---eto na pala. Anak buti gising kana. Kakain na tayo." Sabi ni Nanay habang nakatingin sa pintuan ng kusina.
Patay si Gene!
Nilingon ko si Elma at nakita ko syang laglag ang panga habang nakatingin sa boss namin tapos titingin ulit sa akin, paulit-ulit. Bahaggang inginuso pa nya yung itsura ni Gene ngayon. Paano ba naman, nakasando at shorts pa rin siya habang pupungay-pungay ang mata. Halatang bagong gising tapos hindi pa din suklay.
"Morning.." Bati ni Gene sa amin na gaya ko kanina ay nagdiretso din sa sink para magmumog at maghilamos.
"Oh Em Gee!" Medyo patiling bulong ni Elma habang nakatingin sa akin. Ngingisi-ngisi pa sya.
"Sino yan, bee?" Bulong ni Carlo kay Elma.
"Boss namin, Bee." Pabulong ring sagot ni Elma.
"Boyfriend ni Vina?"- Carlo
"Siguro? "- Elma
"Live-in na sila?"- Carlo
"Baka. Kita mo namang dito natulog diba?"- Elma
BINABASA MO ANG
He Owned Me At Seven
General Fiction*COMPLETED Ang storyang ito ay patungkol sa batang lalaki na si Gene. Siya ay umibig kay Vina na mas matanda sa kaniya ng pitong taon. Sa edad na pito ay niligawan niya ang dalaga ngunit hindi nito sineryoso ang kanyang panliligaw sapagkat para dit...
