Sorry, it's kinda late, nabura po yung unang ginawa ko. Actually, lahat ng stories ko sa keep notes. Nakakalungkot dahil may mga bagong stories akong nakasave don na di ko pa nailalagay kay watty. Hayyss..Hope you like this...
***
Pagdating sa finance department ay nagulat ako ng madatnan ko si Tamara na nakaupo sa kanyang pwesto katabi lang ng akin. Nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba ako sa loob o hindi. Isa siya sa pinaghihinalaan kong nagpapadala sa akin ng text messages bukod kay Jemaru.
Pero hindi tamang pagsuspetsahan ko siya lalo na kung wala akong ebidensya. Isa pa, kahit naman medyo maarte siya ay mabait naman sya sa lahat. Oo nga't nagtampo siya sa akin noong year end party pero hindi sapat na dahilan 'yon para gumawa siya ng masama. Isa pa, wala sa istura nya na gagawa ng mga ganoong bagay.
Kaya't mabilis kong iwinaglit ang mga negatibong naiisip ko. Nagsimula na akong lumakad at bahagyang tumikhim para makuha ang kanyang atensyon.
Nag-angat siya ng ulo.
"Ate Vina!" Agad ay bati niya. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. "I missed you, Ate Vina." Aniya habang nakayakap sa akin.
Hindi ako nakagalaw. Ang totoo ay hindi ko alam kung anong ire-react ko.
"Wait, I have something for you." Sabi pa niya matapos akong bitawan. Muli siyang lumapit sa lamesa niya at may dinukot sa ilalim. Maya-maya lang ay inilabas niya ang isang kulay white na paper bag. "Charan!" Masaya niyang sabi. "Here, that's my pasalubong for you."
Tinanggap ko naman 'yon ngunit hindi pa din ako nagsalita. Unti-unting nawala ang kanyang mga ngiti ng makita ang reaction ko.
"Why? You don't like it, Ate Vina?" Malungkot niyang tanong sa akin. Agad naman akong nakaramdam ng guilt kaya't mabilis akong umiling.
"Gusto ko, salamat dito." Muli akong ngumiti. "Ang totoo, nagulat lang ako kasi akala ko galit ka sa akin matapos ang nangyari noong year end party." Pag-amin ko. Bumakas ang pag-unawa sa kanyang mukha pagkuwa'y alanganing ngumiti.
"Isa nga rin yon dahilan kung bakit ako pumasok ng maaga." Aniya. "I just want to say sorry for my attitude that night, Ate Vina. Nagulat kasi ako na ikaw pala ang girlfriend ni Mr. Carbonel. Nainis ako kasi hindi mo man lang sinabi sa akin." Sabi pa niya.
"Hindi pa kasi ako handa." Pag-amin ko.
"Naiintindihan ko. I realized that, it wasn't just me who got shocked that night, actually halos lahat kami."
Tumango ako.
"Sorry again, Ate Vina. Don't worry, I'm not against to your relationship. I'm actually here to say that I'll support you." Ngumiti siya. ViGene!" Bigla'y cheer nya.
Napangiwi ako dahil sa ginawa niya. ViGene? Ang bantot talaga pakinggan.
"Hoy ano yan? Bakit nangangamoy bagong recruit sa ViGene's fans club?" Entrada ni Elma na kakarating lang. "Tammy, nakabalik ka na pala." Aniya ng makita si Tamara.
"Hello, Ate Elma." Bati naman ng isa pagkuwa'y niyakap ang bagong dating. "I also have pasalubong for you." Sabi ni Tammy, gaya sa akin ay inabutan niya din si Elma ng paper bag na agad naman nitong binuklat.
"Wow! Perfume from Paris!" Masaya nitong bulalas ng makita ang laman.
So, pamango pala ang laman ng paper bag, tamang-tama paubos na ang sa akin.
"Yep. We went to Paris to visit grandma so I brought pasalubong to everyone."- Tammy
"Thank you, Tamara." - Elma.
BINABASA MO ANG
He Owned Me At Seven
General Fiction*COMPLETED Ang storyang ito ay patungkol sa batang lalaki na si Gene. Siya ay umibig kay Vina na mas matanda sa kaniya ng pitong taon. Sa edad na pito ay niligawan niya ang dalaga ngunit hindi nito sineryoso ang kanyang panliligaw sapagkat para dit...
