Vina's POV
Sabi nila, kapag gumawa ka ng isang desisyon, dapat buo at walang dalawang pag-iisip. Dapat marunong kang panindigan ang mga salitang iyong binitawan. Dapat handa kang ito ay ipaglaban at huwag hayaang mawala na lang ng saysay ang iyong pinaghirapan.
Pero paano kung dahil sa isang desisyon ay magbago ang lahat? Paano kung ang dating simple ay naging iba? Paano kung ang dating walang paki ay nagkaroon ng interest sa iyo? At paano kung ang dating normal mong buhay ay nagbago dahil lang sa ikaw ang girlfriend ng CEO?
Mapaninindigan mo kaya?
"Good morning Ma'am Vina." Bati sa akin ng mga nakakasalubong ko sa loob ng lobby ng CGC. Halos lahat ng makakakita sa akin, pag hindi bumabati ay nginingitian naman ako. Alam kong normal lang makipagngitian pero ang hindi normal ay yung..
"Ma'am, ako na po ang magbibitbit ng bag nyo." Sabi ng isang babae na sa pagkakatanda ko ay isa sa mga janitress ng kumpanya.
"Naku, wag na po ate. Kaya ko naman pong bitbitin ang bag ko." Tanggi ko. Hindi naman mabigat ang bag ko, polbo, suklay at salamin lang naman ang laman nito. OA lang talaga sila ngayon.
"Sigurado po kayo?" Tanong nya kaya't nginitian ko sya bago tumango. "Sige po, Ma'am."
"Ms. Vina, sama ka sa amin mamaya? May konting kasiyahan na gaganapin ang department namin sa headbang."
"Pasensya na, kailangan ko kasing umuwi ng maaga. Salamat na lang sa pag-imbita. Enjoy kayo." Nginitian ko sila bago ako umalis.
Sa wakas ay nakasakay na rin ako ng elevator. Gustong-gusto ko ng makarating ng office. Ayoko ng makipagplastikan!
Nang makaupo sa aking pwesto ay saka lang ako nakahinga ng maayos. Agad akong umub-ob sa aking lamesa.
"Kamusta? Mukhang pagod na pagod ka a ke aga-aga?" Bungad sa akin ni Russel kaya't tinunghay ko sya. Nakatayo sya sa tabi ko habang nagkukudkod ng kuko gamit ang nailcutter. Kami pa lang pala ang tao sa office, mukhang wala pa ang iba.
"Sinabi mo pa." Walang gana kong sagot sa kanya.
"Ganyan talaga, simula ng ibunyag nyo ang inyong relasyon magbabago talaga ang pakikitungo sa 'yo ng mga tao."
"Bakit kailangan pang magbago? Bakit hindi na lang gaya ng dati?" Tanong ko.
"Ganon talaga! Takot na lang nilang mapagalitan ng CEO."
"Pero girlfriend lang naman ako, bakit kailangan may special treatment?"
"Aba malay. Pero girl ingat ka ha." Paalala nya kaya't taka ko syang tiningnan.
"Ingat saan?"
"Sa mga plastic, you know, mga styro, not so eco-friendly. I'm sure maraming makikipag-close sayo para magkaroon ng kapit." Sabi pa nya. "Dadating ang araw na may mga oportunista o di kaya ay mga mapagbalat-kayo kang makikilala. Kailangan mula ngayon ay maging matalino ka sa mga taong makakasalamuha mo dahil simula ng malaman nila ang tungkol sa inyo ng CEO, lahat sila kaibigan ang turing sayo."
"Di ba masyadong judgemental ang ganon?" Tanong ko.
"Siguro. Hindi ko naman sinabing maging ilag ka sa tao, ang sa akin lang, mag-ingat ka sa mga taong makasalamuha mo."
"Sige." Tumango-tango ako ng bigla akong may naalala. "Maiba tayo, paano mo nalaman ang tungkol sa amin ni Gene?" Tanong ko. Bigla naman itong nagtaas ng kilay habang nakacross-arms.
"Malantod kasi kayong dalawa, mga mapupusok! Akalain ba namang sa may fire exit pa maghigupan ng labi! Kung hindi pa nagbell hindi titigil." Bwelta nya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng dugo sa aking mukha. Isang beses lang kaming naghalikan ni Gene sa may fire exit, yun ay noong ini-tour ko sa building si Tamara! Tandang-tanda ko pa kung paano kami nagkiss ni Gene noon. That was one of the erotic err-intense kissed we shared ever since we became official. Nakakahiya! May nakakita pala!
BINABASA MO ANG
He Owned Me At Seven
General Fiction*COMPLETED Ang storyang ito ay patungkol sa batang lalaki na si Gene. Siya ay umibig kay Vina na mas matanda sa kaniya ng pitong taon. Sa edad na pito ay niligawan niya ang dalaga ngunit hindi nito sineryoso ang kanyang panliligaw sapagkat para dit...
