Chapter 37

2.8K 99 21
                                    


AerisScarlet gurl eto na and to our new readers welcome po sa inyo!! Thank you for reading HOMAS!!

Road to 500 followers na po tayo. Thank you sa mga nag pa-follow sa akin!!

Hope you like this guys!!

***
Laila's POV

"Dito ka na muna sa bahay kasama ni Arci, 'wag ka na munang sumama sa karendirya, Vina." Bilin ko kay Vina. Pagkagising kasi niya kaninang umaga ay inatake na naman ng hilo at pagsusuka kaya pinagbabawalan ko munang sumama sa amin sa kainan. Mahirap na baka bigla siyang mahilo 'don.

"E, Lai sino namang haharap sa kaha kung sakali?" Nag-aalalang tanong niya.

"Don't worry, kami na ang bahala 'don. Kaya na namin ni Renz 'yon. Basta ikaw, mamahinga ka lang dito. Mamayang tanghali ay nandito na sina Mama at Arci kaya may makakasama ka na."

"Pero.."

"Huwag ka ng makulit, Vina." Pigil ko saka sya muling pinahiga sa kama.

"Para naman akong baldado ih." Reklamo niya.

"Baldado ka dyan. Nag-aalala lang kami sa'yo at kay baby."

"Sige na nga." Sumusukong wika niya. Napangiti ako. Hindi kasi siya mananalo sa kakulitan ko. At saka, kailangan talaga niyang mamahinga. Napapansin ko mula noong nakausap niya 'yong Tamara ay naging matamlay siya. Alam kong naging apektado siya sa nalamang balita kaya siya nagkakaganon.

"Alis na'ko. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka." Bilin ko pa. Tumango naman siya kaya't naging panatag na'ko.

Gaya nga ng inaasahan ay kami lang dalawa ni Renz ang pumunta sa karendirya. Sanay na naman kami, lalo na ako na madalas na nag-aasikaso sa mga kumakain kapag nasa school pa si Renz. Tinutulungan naman ako paminsan-minsan ni Susan, yung tagahugas namin ng plato at Kuya June na siyang tagaluto namin kaya kahit papano e gumagaan ang aking ginagawa.

Pagdating sa Arci's Karendirya ay may ilan ng mga customer na kumakain. Usually, sila yung mga dumadamayo muna ng kain bago pumasok sa trabaho o sa eskwelahan.

Bandang alas-onse ay nakarinig ako ng bulungan mula sa mga babae at baklang customer.

"Ang gwapo naman niya."

"Taga-Manila siguro 'yan."

"Mukhang mayaman, tingnan mo bigatin ang relo."

"Sarap namang maging boyfriend niyan."

"Bet ko pa naman ang mga foreigner."

"Ay ako ren."

Napatingin ako sa tinutukoy nila, doon ko napansin ang isang lalaki na kakapasok lang ng karendirya. Pamilyar siya sa akin hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Gaya ng mga naririnig ko ay totong gwapo siya.

Nagpalinga-linga ito hanggang sa madako sa akin ang kanyang tingin. Nagliwanag ang kanyang mukha at dagling naglakad papalapit sa akin.

"Hi. You're Arci's mother, right?" Nakangiting tanong nito kaya't tumango ako. "I forgot to introduce myself last time we talked, I'm Genesis Carbonel."

"Laila, Sir."

Ahmm Ate Laila..can I see Arci?" Tanong niya saka muling nagpalinga-linga.

"Bakit nyo po hinahanap ang anak 'ko?" Tanong ko.

"May itatanong sana ako." Aniya.

"Sorry Sir. Pero wala dito ang anak ko. Nasa school siya." Sabi ko. Napansin ako ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mukha ng marinig na wala dito si Arci. Napaisip ako kung anong itatanong niya sa anak ko.

He Owned Me At Seven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon