KABANATA 1

1K 31 2
                                    

Kabanata 1

Ensaymada

--

Okay! Masyado akong nairita roon. Dapat hindi ako nagalit agad dahil may plano pa kami. I just couldn't help it because that man's attitude was really annoying! Anong karapatan niyang hindi ako tulungan? Hindi niya rin daw ako kilala! I can’t believe someone doesn’t know me!

"Calm down, Johan. Sige. Siguro ngayon wag ka munang pumunta sa kanila. Magpalamig ka muna," ani Allison.

"Nakakainis ang lalaking 'yon! Alam mo mabuti nalang talaga hindi ka napunta do'n kundi kawawa ka. Hindi bagay sayo ang ganoong klase ng lalaki!" iritado kong sinabi.

"Mukhang hindi ka lang talaga niya kilala, Johanna. Sigurado akong kapag nakilala ka na no'n, mahuhulog na sayo 'yon!" sabi ni Jade.

"Yeah. Who wouldn't fall for someone like you, right?" si Trina naman.

"They're right. But for now, magpalamig ka muna, Johanna. Masyado kang nainis kay Zairus. Sabi sayo suplado 'yon, e..." si Allison.

I didn't return to Zairus' house for three days. Our plan hasn't yet begun. At kapag lumamig na ang ulo ko, sisiguraduhin ko talagang mahuhulog 'yon sa akin. Ngumisi ako. Walang kahit na sinong kayang tumanggi sa akin.

Allison:

Nandyan ka na?

Johanna:

Yup.

Allison:

Do your best! Wag ka na ulit magpadala sa iritasyon mo. You just have to be kind to him for him to fall for you!

I looked at Zairus' house and took a deep breath. Sa tatlong araw kong hindi nakita ang pagmumukha niya ay lumamig naman na ang ulo ko kahit papaano. Nakalimutan ko na rin ang nangyari at handa na ulit akong humarap sa kanya.

Nakita ko ulit siyang nagwawalis sa bakuran nila. Mukhang masipag 'tong isang 'to, ah? Palaging nagwawalis. Madumi ba palagi ang bakuran nila?

Sa bagay. Ang daming puno sa paligid nila. Siguradong ang daming nahuhulog na dahon doon araw araw.

"Hi!" I sweetly said.

Nasa harap na ako ng bahay nila. Walang gate ang bakuran nila kaya naman malaya akong nakapag lakad palapit. Lumingon siya sa akin at hindi manlang nagulat sa presensya ko. Kumunot lang ulit ang kanyang noo.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya nang nakalapit ako.

Nakita kong dahon nga ang winawalis niya. Ang dami siguro no'n. Ang lalaki naman kasi ng puno nila.

"Nothing. I just like it here because it’s windy. Ang dami niyong puno, noh?" kunwari kong sinabi.

"Hindi ka welcome rito kaya umalis ka na, Miss," he said bluntly and continued sweeping.

I was irritated again by what he said but I just took a deep breath and tried to calm myself. I smiled.

"Grabe ka naman... Hindi ba pwedeng magpahangin dito sainyo? Besides, I have a name. Bakit ba Miss ka nang Miss? I'm Johanna."

He did not speak and just continued sweeping.

"Are you alone here?" I asked.

Hindi pa rin siya sumagot.

"I heard your name is Zairus. Hi, Zairus. My name is Johanna Agravante," I held out my hand.

Nilingon niya na ako. Hindi siya mukhang natutuwa sa pagiging makulit ko pero kahit ganoon ay ngumiti pa rin ako sa kanya. I gave him my sweetest smile I only give to some people. Nakalahad pa rin ang kamay ko para sa kanya.

Under the Moonlight (Agravante Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon