Kabanata 10
Nagseselos
--
"Ano ba kasi talagang nangyari? Bakit magkagalit nalang kayong tatlo bigla?" nag aalalang tanong ni Allison habang sinusundan niya ako dito sa library.
Magtatapos na ang July at malapit na ang first grading exam. Medyo naging busy na ako nitong mga nakaraang araw kaya minsan nalang ako makasama kina Allison. Ganoon na rin sa mga pinsan ko na naging busy na rin kaya sa lunch nalang kami nagkakasama sama. Sineseryoso talaga namin kapag malapit na ang exam.
But of course I still go to Zairus. Naisip ko na doon nalang magreview araw araw tutal nagre-review rin naman siya palagi. Masarap kasing mag-review kapag malakas ang hangin, you know.
Kinuha ko ang isang librong nakita at pabuntong hiningang tumingin kay Allison na nag aalala talaga ang mukha.
"Wala 'yon. Just a little fight. Don't worry," I said and resumed searching for the book I needed.
Hindi ko alam kung paano niya nalaman na magka away kami nina Jade at Trina pero siguro sinabi na sa kanya nung dalawa. Sila lang naman ang pwedeng magsabi kay Allison.
"Come on. What happened? Nag aalala ako. Paano na ang plano?"
Natigilan ako sandali sa huling sinabi niya pero agad ring nagpatuloy.
"It's just a little fight, Allison. Just... give us some time. We're not ready to talk to each other yet and I'm also busy with my studies now that the exam is coming up. Siguro sa susunod ko nalang sila kakausapin. Or maybe kakausapin ko sila kapag kinausap na nila ako."
"Johanna..."
Nilingon ko si Allison na malungkot ang itsura. I sighed heavily.
"Kung may dapat na lumapit, hindi ako 'yon, Allison. Sila ang gumawa ng mali sa akin. Hindi ko ugaling makipag ayos kung hindi naman ako ang may kasalanan, alam mo 'yan."
"I know... I just really want to know what really happened. They didn't tell the whole story, they just said they had a fight with your friend Elara and you got mad at them too."
Umirap ako. "Paanong hindi ako magagalit? Sinadya nilang buhusan ng kape ang sapatos ni Elara na bigay ng Papa niya. Sobrang iniingatan ni Elara ang lahat ng binibigay ng Papa niya kaya anong gusto mong maging reaksyon ko kina Jade? Matuwa ako?"
Allison sighed. "Ganoon ba... Edi... sasabihan ko nalang sila na magsorry sayo at ganoon na rin kay Elara."
"No need. Let them do it on their own, Allison."
"Pero gusto ko nang magka ayos kayo. Ano? Ganito nalang kayo hanggang sa matapos ang school year? Sigurado akong hindi makikipag ayos sayo sina Jade at Trina."
"Kasalanan ko pa ba 'yon? Wag silang makipag ayos kung ayaw nila."
"Johanna... Hindi ba kung sino ang nakakaintindi, siya dapat ang makipag ayos nalang? Kasi walang mangyayari kung ipagpapatuloy niyo lang 'to?"
Tuluyan ko nang hinarap si Allison ngayon. Naiintindihan ko namam ang sinasabi niya. Tama siya, ako ang nakakaintindi kaya dapat ako nalang ang makipag ayos. Pero pasensya na at hindi ko ugaling lumapit sa taong ginawan ako ng mali. Kahit pa ako ang mas nakakaintindi. Hinding hindi ako magpapakababa para lang sa kanila. Mataas ang pride ko, kasing taas ng bituin na hinding hindi mo maaabot.
"Marami pa akong gagawin, Allison. At pupunta pa ako kina Zairus pagkatapos nito. Ayaw mo naman sigurong magulo ang plano natin, diba?"
Ayaw ko nang gawin ang plano na 'to pero nasabi ko na naman dahil naiinis ako! Oo tama naman na ako nalang dapat ang makipag ayos dahil alam kong hinding hindi makikipag ayos sa akin ang dalawang 'yon! Pero hindi ko makuha, e. Sa totoo lang hindi ko talaga naiintindihan. Sila ang nakagawa ng kasalanan bakit ako ang lalapit? Diba? Napaka swerte naman yata nila!
![](https://img.wattpad.com/cover/284693431-288-k77830.jpg)
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight (Agravante Series #3)
Romansa[COMPLETED] Johanna Agravante never became serious in all of her relationships with men; she just loved to play with their hearts and their feelings. But when her friends dared something to her, when she met a very responsible, with a very nice hear...