Kabanata 32
Statement
--
"JayHi Entertainment denied Johanna's dating rumor with the singer, Dylan Han. It said in the statement that the singer from Zheill, Johanna Agravante, is not in a relationship with Dylan."
"JayHi Company has officially released the truth behind the pictures of Johanna Agravante from Zheill and singer Dylan Han. The company denied that the two had a relationship. Meanwhile, the statement also said that Johanna Agravante has another relationship right now with the famous Doctor named Lazzarus Hamilton Velasco."
Napangisi ako nang nabasa ang nasa article.
"This is JayHi Company. Johanna Agravante is not in a relationship with Dylan Han. The singer from Zheill is now happy with her relationship with Lazzarus Hamilton Velasco, a famous Doctor from St. Jose Hospital."
That's the official statement of the company. Para akong nakahinga nang maluwag! That was a very shocking news for our fans pero iyon ang totoo. Ayokong mag-ilusyon sila na si Dylan ang boyfriend ko.
At ayoko na ring magtampo 'yong isang gwapo dyan.
"Ayos ba?" nakangisi kong tanong kay Zairus na nakahalukipkip sa harapan ko.
We are here inside my tent. We're shooting a music video today and he came here to visit me, tutal wala naman daw siyang trabaho sa oras na 'to.
He's sitting in front of the table while crossing his arms and looking at me. Nagtaas siya ng isang kilay at ngumisi.
"Come here."
Nagtaas din ako ng isang kilay sa kanya at ngumisi, kunwari hindi kabado.
"What do you want now?"
"I want my girlfriend here," tinapik niya ang kanyang hita.
Uminit ang pisngi ko. Hindi ako gumalaw. Ano ba! Nakakahiya...
"Come on, come here," natatawang ulit ni Zairus nang nakita ang itsura ko.
Mataray ko siyang tinitigan at naglakad nang mabagal papunta sa kanya. Break namin ngayon kaya may panahon kami para makapag usap. Hindi ko naman alam na ganitong pag uusap pa pala ang gusto niya!
Pero... gusto ko rin naman. Tss. Ang arte, Johanna!
Hinila ni Zairus ang kamay ko nang nakalapit ako. Pinaupo niya ako sa kanyang kandungan at niyakap agad ang aking baywang. Pinigilan ko agad ang napaka landi kong ngiti.
Nakaupo ako sa kanya nang patagilid. Magkahawak ang mga kamay ko sa aking mga hita habang siya ay nakatitig sa akin. Namumungay ang mga mata niya. Alam kong pagod siya dahil sa walang tigil na pagtatrabaho. Tapos ngayon kaunting pahinga lang ang magagawa niya. Maya maya rin ay babalik na siya sa ospital.
Inayos ko ang buhok ni Zairus.
"Aren't you tired?"
"No..."
"You should rest. I know you're tired. You'll be even more tired if I'm here on your lap. Hindi ko sinasabing mabigat ako pero mangangawit ka."
He laughed slightly at that. He wrapped his arms around my waist and hugged me tighter. His face found its way on my neck. I could hardly breathe anymore.
"Dito ang pahinga ko..." bulong niya.
Ngumuso ako sa sinabi niya at parang may punyal na tumusok sa puso ko. Gusto kong umirap dahil para sa akin corny ang mga ganyang salita. Pero dahil nanggaling sa kanya, parang sobrang laki ng epekto sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight (Agravante Series #3)
Romance[COMPLETED] Johanna Agravante never became serious in all of her relationships with men; she just loved to play with their hearts and their feelings. But when her friends dared something to her, when she met a very responsible, with a very nice hear...