KABANATA 33

713 20 2
                                    

Kabanata 33

Happy

--

Naging busy ulit ang Zheill sa mga sumunod na araw. Hindi na nanggulo si Dylan. Hinuli na kasi agad siya ng mga pulis. Bali balita na agad ang pagkakakulong niya pero walang nakaka alam na sumugod siya sa pinagsho-shooting-an namin noong nakaraan because of the company's order not to let the public know about it.

Right now, he's still being tested to see if he's really using drugs. If he's found to be on drugs, he will spend more time in prison.

Our album has been released and now we have so many things to do again. Mall shows. Meet-the-fans-event. Kung saan saan din kami pumuntang lugar para sa mga mall shows.

Minsan nalang kami nakakapag kita ni Zairus dahil doon. I'm busy while he's also busy. May araw na free ako pero hindi naman siya free. Kapag siya naman ang free ay madalas ako naman ang hindi.

Kaya naman sa gabi nalang kami nakakapag kita. Pinupuntahan niya ako sa condo ko, sa may parking lot lang. Doon kami nag uusap na dalawa sa mga nangyari sa araw namin. Sandaling oras lang at bitin na bitin ako palagi pero masaya naman. Mukha namang sapat na rin kay Zairus na makausap ako kahit sandali lang.

Baliw na baliw kaya sa akin ang isang 'yon.

"Zairus!" tumakbo ako papunta kay Zairus at halos tumalon noong niyakap ko siya.

Bahagya siyang nagulat at humalakhak. "Missed me so much?"

Isa ito sa mga gabing nagkikita kami sa parking lot ng condo ko. Ngumisi ako at hinarap si Zairus.

"Oo. I missed you so much!" sabi ko sa mukha niya.

He smiled and pulled me again for a hug. I hugged him around his neck.

"I missed you, too. Very much," he said.

"Mas miss kita," sabi ko.

"Mas miss kita, Johanna."

"Mas miss nga kita, Zairus!"

"Johanna Gabriella."

"Lazzarus Hamilton!"

He chuckled and hugged me more.

"Ang ganda ganda talaga ng pangalan mo," wala sa sarili kong sinabi.

Humalakhak siya. "How's your day?"

"Ayos naman! Medyo pagod pero ngayon okay na."

"Kasi nandito na ako?"

"Kasi kayakap na kita," pagtatama ko.

"Tss," angil niya pero alam kong nakangiti siya.

"What?" humalakhak ako.

"You're being sweet. Akala ko ba corny para sayo ang mga salitang ganyan?"

"Corny, oo. Pero para sayo, sige, sasabihin ko."

"Tss. Stop it."

Humalakhak ulit ako. Kunwari pa 'tong isang 'to! Kinikilig naman!

"Mag uusap ba tayo nang magkayakap hanggang mamaya?" natatawa kong tanong dahil literal kaming nag uusap habang magkayakap pa rin.

"Oo! Kaya magtiis ka. Tumingkayad ka lang."

"Ang sama mo! Nangangawit na ako, oh!" sabi ko kahit hindi naman.

Siya kaya ang mas nangangawit dahil siya ang nakayuko para lang mayakap pa ako! Hindi naman ako masyadong nakatingkayad.

Ganoon ang nangyayari sa amin sa tuwing nagkikita kami sa parking lot. That's why I'm always in a good mood every time I go to work. Halos lahat binabati ko na pagpasok kahit hindi ko naman gawain 'yon.

Under the Moonlight (Agravante Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon