KABANATA 11

501 26 2
                                    

Kabanata 11

Ikukulong

--

I dropped my bag on the floor when I got to my room. Para akong tanga roon na nakatulala habang may maliit na ngiti sa labi, paulit ulit na iniisip ang mga sinabi ni Zairus kanina.

Ayaw daw niyang nagseselos!

I closed my eyes and then covered my face with both my hands. Binagsak ko ang sarili sa kama at nagpapapadyak. Nagpagulong gulong pa ako roon na para talagang tanga habang ramdam na ramdam ko ang pag iinit ng buong mukha ko!

Did he really say that? Yes he really said that! Pero bakit ako nagkakaganito? Nababaliw na ba ako?!

Tumigil ako sa pag gulong gulong at tinitigan ang kisame. Siguradong pulang pula na ang mukha ko! I don’t really know why I’m like this. I can't believe I'm like this! Muli akong pumikit at tinakpan nalang ulit ang mukha!

Sobrang ganda tuloy ng mood ko kinabukasan. Pangiti ngiti pa ako sa lahat ng students na nakangiti at bumabati. Namamangha at napapatakip sila sa kanilang mga bibig dahil siguro hindi makapaniwala na pinansin ko sila.

"Hi, Johanna!" sumubok ang isa.

"Hi!" I greeted and waved at them.

"OMG!" tumili silang magkakaibigan.

I smiled and continued walking. I don't think anything can ruin my mood today. Parang ang sarap mag aral. Pero mas masarap pag uwian na para makapunta na ulit ako kina Zairus!

"Johanna!" I heard Allison.

Lumingon ako sa likod ko at nakita nga si Allison. Mukhang kararating niya lang rin sa school. Ang kapatid kong si Mina ay nasa ibang building dahil mas bata siya sa akin. I'm in my fourth year while she's in her third year high school. Magkasabay kaming pumapasok pero nagkakahiwalay rin dahil magkaiba nga ng building. Kaya hindi ko siya kasama ngayon.

"Allison! Hi!" I greeted her happily.

She smiled. "Looks like you're in a good mood."

Tumawa ako. "Palagi namang maganda ang mood ko! Tara, sabay na tayong maglakad."

Tumango siya at naglakad na kami.

"About Jade and Trina..." panimula niya.

Napairap ako sa sinabi niya. Sabi ko kanina walang makakasira sa maganda kong mood pero mukhang nagkamali ako. Hindi naman sa sobra akong naiinis sa kanila. Of course somehow I still want the three of us to get along because they are my friends. Pero hanggang ngayon kasi hindi pa rin nagso-sorry ang dalawa kay Elara kaya naiinis pa rin ako.

"Gusto na daw nilang makipag ayos sayo," Allison said.

I raised an eyebrow and looked at her. "Really? Sinabi nila 'yon?"

"Oo... Hihingi na rin daw sila ng tawad kay Elara. Alam kasi nilang hindi mo sila papansinin hanggat hindi sila ang lumalapit."

"Tss. Buti naman alam nila 'yan. At buti hihingi na sila ng tawad kay Elara. Nasaan na sila? Sabihin mo ngayon na sila magsorry."

"Mamaya daw lunch. Kung sakali mang... makita mo si Elara, iharap mo na siya kina Jade at Trina para makapag sorry na yung dalawa."

Tumango ako at sumang ayon sa kanya. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Masaya ako na magkaka ayos na kayo. Hindi dapat tayo nag aaway away. Lalo na dahil may plano pa tayong ginagawa."

Natigilan ako sa sinabi niya. Deretso lang ang tingin ko at hindi na makatingin kay Allison ngayon.

Under the Moonlight (Agravante Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon