KABANATA 9

510 23 4
                                    

Kabanata 9

Sorry

--

Nakailang beses na yata akong buntong hininga habang pinagmamasdan ang box ng cupcakes sa tabi ko. Nasa sasakyan ako ngayon papunta kina Zairus.

I didn’t tell Allison that I would give Zairus cupcakes today. I don’t know why I don’t want her to know. At kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na gusto ko nang itigil 'to, hindi ko alam kung bakit parang ayaw ko nang tumigil. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong... magpunta sa kanila.

Pumikit ako at tinigilan na lamang ang pag iisip. Ano ba 'tong mga iniisip ko. What's happening to you, Johanna? Will you please stop it?

Naka uniform pa ako nang bumaba sa sasakyan dala ang box ng cupcakes. I immediately saw Tito Halton watering a plant in their yard while Zairus is sitting at the table, studying again.

I took a deep breath and smiled. Lumapit ako at nakita ko agad ang pag angat ng tingin ni Zairus sa akin.

"Hi, Zairus!"

He stood up and looked at what I was carrying. Tito Halton also turned to me so I also wished him a good afternoon. He just smiled and nodded at pagkatapos nagpatuloy sa kanyang pagdidilig. I then turned to Zairus who's still looking at the box I was carrying. Ngumiti ako sa kanya.

"For you!" tinaas ko ang box.

He looked at me and he raised an eyebrow.

"Para sa akin?"

"Yup! Sainyo ni Tito Halton. Pina bake ko 'to sa kapatid ko kagabi. Masarap 'yan!" pagmamalaki ko at nilapag ang box sa lamesa.

"Hindi ka na sana nag abala," muling umupo si Zairus sa kanyang upuan.

"Bakit? Ayaw mo ba? Akala ko ba kumakain ka naman ng sweets?"

"Kaya mo ba ako tinanong kasi bibigyan mo ako niyan?"

"Oo. Ayaw mo ba? Masarap 'to!"

"Busog pa ako," tumingin siya sa libro niya.

Ngumuso ako at tinitigan siya. Hindi ko talaga siya mabasa. Kahapon lang parang... Nanliit ang mga mata ko sa kanya at umiling na lamang.

"Are you sure? Kahit tikman mo lang! Masarap talaga 'yan! It's not that sweet."

"Mag aaral pa ako."

"You can study while eating."

"Ayoko."

Mas lalo akong ngumuso. "Bakit na naman ba? Ang suplado mo na naman."

Hindi siya sumagot. Bumaling ako kay Tito Halton na medyo malayo na sa amin dahil sa pagdidilig niya. Ang dami kasi nilang halaman. Hanggang likod yata ng bahay nila merong halaman.

"Kain po muna kayo dito, Tito! Cupcakes!" sigaw ko.

Tito turned to me and smiled. "Sige, hija! Kayo na muna. Tatapusin ko lang 'to."

"Oh! Sige po!"

I turned to Zairus again after that and sat down in front of him. Tumingin siya sa akin. I opened the box and looked at the very beautiful cupcakes inside! I showed it to Zairus and proudly smiled.

"Ayaw mo pa rin?"

"Marami pa akong gagawin."

"Bakit ba ayaw mo? Titikman mo lang naman. Tsaka kung iniisip mo may lason 'yan, wag kang mag alala hindi ako gumagamit no'n. I don't need that anymore."

"Tss," he looked down at what he was doing.

Ngumuso ako. "Ayaw mo talaga? O baka naman hindi mo talaga gusto ang mga ganito?"

Under the Moonlight (Agravante Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon