WAKAS

1.2K 41 10
                                    

Wakas

--

It was all of a sudden. Tahimik lang naman akong nagwawalis sa tapat ng bakuran namin no'n nang biglang umingay dahil sa babae na 'yon na sinasabing natalisod daw siya sa harap ng bakuran namin. Hindi ko siya pinansin dahil halatang nag iinarte lang naman. Tapos 'yong bato pa 'yong sinisisi.

"Kahit na! Nakita mo pa rin akong nadapa kaya sana naman tumulong ka! Tsaka sa harap ng bahay niyo ako nadapa, oh! Bakit ba may bato do'n?"

Tss. Kasalanan pa ng bato.

"Kasalanan ko pa at kasalanan pa ng bato? Sino ba ang may mata sainyong dalawa?"

She was obviously irritated by what I said. Namumula ang kanyang mukha sa gigil sa akin.

"M-May mata ka rin naman, ah! You saw me fall but you didn't even help me?"

"Una sa lahat, Miss, alam ko na ang mga moves na ganyan."

Mas lalo siyang nabwisit doon.

"Kaya hindi kita tinulungan kasi alam kong nagpapanggap ka lang."

Kitang kita sa mukha niya ang pagsabog sa iritasyon.

"Ang kapal ng mukha mo, ah! Anong sinasabi mo ngayon? Na nagpapapansin ako sayo?"

"Wala akong sinabing ganyan."

"Don't you know me? My name is Johanna! Ang mga lalaki ang nagpapapansin sa akin at hindi ako!"

Tumango ako. "Okay."

Maganda sana kaya lang ang ingay. Tapos ang arte at sungit pa. Akala mo naman kung inaano ko siya.

I really don’t know their family. I know the Agravantes because they are really well known all over the place but I don’t know much about them. Bukod kasi sa abala sa pag aaral, wala rin akong panahon para pakialamanan ang buhay ng iba. I prefer focusing on all the important things.

Sobrang tahimik lang ng buhay ko noon. Pag dumating sa bahay galing school, maglilinis lang ako ng bakuran tapos mag aaral na sa lamesa namin doon. At pagkatapos kapag gumagabi na, magluluto, kakain, at pagkatapos matutulog na.

Ganoon lang kasimple ang buhay ko. Until this girl came.

Hindi ko alam kung anong problema niya at bigla nalang siyang pumupunta sa bahay namin tapos laging nangungulit. Kesyo magpapahangin lang daw siya pero ang daldal naman palagi. Hindi nauubusan ng mga sasabihin.

Johanna Gabriella Agravante, that's her name. Hindi naman siya gano'n katangkaran. Hindi rin naman gano'n kaputi. Sakto lang. She's pretty and beautiful. Her eyes are like cat's eyes, singkit pero mapang akit masyado. Matangos ang ilong, sakto lang ang tambok ng pisngi at ang mapupula niyang labi na nasa perpektong hugis.

Sa totoo lang naririnig ko naman talaga palagi ang pangalan niya, e. Hindi ko nga lang kilala ang itsura niya dahil tulad ng sinabi ko, hindi ko naman masyadong inaalam ang tungkol sa mga Agravante.

"Uh... saan niyo po nabili 'tong tinapay na 'to? Ano pong pangalan nito?" kuryosong tanong ni Johanna sa kinakain niyang ensaymada.

Mukhang nagustuhan niya 'yon. Nilingon ko siya at pinagmasdan.

"Ensaymada, hija. Nabili ko 'yan sa palengke," si Papa.

"Ensaymada..." tumango tango siya.

Obviously, ngayon niya lang 'yon natikman. Syempre hindi kumakain ng gano'n ang tulad niyang mayayaman.

My eyes narrowed as I watched her. Hindi ko alam kung bakit napaka sarap niyang panoorin ngayong inosente siya dahil lang sa pagkain na 'yon. Nag iwas ako ng tingin.

Under the Moonlight (Agravante Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon