KABANATA 4

593 19 0
                                    

Kabanata 4

Group Study

--

Tuwang tuwa ang mga kaibigan ko nang kinweto ko ang nangyari sa grocery store. Sinabi ko sa kanila lahat, pati iyong sinabi sa akin ni Zairus. I really feel that this plan is about to end. Kaunting kembot nalang, mahuhulog na sa akin ang lalaking 'yon.

"I told you, as long as it's Johanna, it's going to be successful!" si Jade at sabay silang tumawa ni Trina.

"Thank you so much for this, Johanna. Ngayon makakaganti na rin ako sa lalaking 'yon. I can't wait for the time na sasabihin natin sa kanya na dare lang ang lahat!" si Allison at humalakhak.

"Let's just wait and move on with the plan. I have a feeling it's almost over. Madali lang pala. Akala ko mahihirapan pa ako dahil suplado siya. Mapaghihiganti na kita, Allison," sabi ko at ngumisi.

"Thank you so much, Johanna!"

Lunes nang syempre pupunta ulit ako sa bahay nina Zairus. Iyon ang palaging plano, ang puntahan siya at pahulugin sa bangin. I'm sure he will fall for me. So hard. That he couldn't walk away anymore.

"Johanna," Brian called me.

Lumingon ako sa kanya na naghihintay sa may gate ng school. Umirap ako at pagod na bumuntong hininga. He's one of my ex-boyfriends na hindi pa rin ako tinitigilan kahit tapos na kami. Hindi ko alam kung anong mga problema nila when they know from the very beginning that it was just all a game.

"What?" I crossed my arms and looked at Brian.

"I heard break na kayo ni Leon. Can I have my chance now?" he asked.

Natawa ako. "What chance are you talking about?"

"Sabihin mo na. Nagselos ka lang kay Sasha kaya ka nakipag hiwalay sa akin. You really don't want to leave me."

Wow. I can't believe how thick the face of this man is!

"I told you it was my choice. I'm not jealous. I don't even know that Sasha. And you know it's just a game, right?"

"A game?" hindi niya makapaniwalang tanong.

"Yes."

"You think my feelings for you is just a joke?"

How corny.

"I don't have time for you, Brian. May lakad ako kaya kung pwede lang?" nilahad ko sa kanya ang daan para makadaan ako.

"No," he grabbed my arm. "We're not done talking yet."

Pagod ko siyang nilingon. "Pwede ba? You know how much I hate this kind of scene. Kung gusto mong maging civil pa ako sayo, hayaan mo ako ngayon."

"Hindi ko kasi maintindihan! Why are you so hard, huh?" lumapit siya sa akin.

"I told you from the very beginning! That it was going to be just a game! You agreed. Kaya ano 'tong pinuputok mo ngayon?"

"I thought you like me too? You said it, Johanna!"

Umirap ako at binawi ang braso ko sa kanya. Pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante roon. Sanay naman na ako kaya hindi ko na pinansin.

"Tigilan mo na nga ako. May lakad pa ako at nagmamadali ako. Aalis na ako," sabi ko at nilagpasan na siya.

Pero hinigit niya ako pabalik! Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko pero agad ring nairita.

"Ano ba?!"

"Please... I love you so much, Johanna! I can't lose you. Please..."

Argh! Those words! So corny!

Under the Moonlight (Agravante Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon