Kabanata 12
Focus
--
Nakakunot ang noo habang malalim ang iniisip, hindi ko na naintindihan pa ang mga sinasabi ni Lorie.
We are here in the field and she wants me to teach her how to make a scrapbook. Gusto niya daw ng ganoon dahil maganda. Marunong naman ako gumawa ng ganoon dahil gumagawa ako ng no'n dati pero hindi ako makapag isip ng maayos ngayon. Nasa ibang bagay ang utak ko.
"Johan, come on! Ano? Pwede ka ba mamaya?" tanong ni Lorie.
"Ha?" tumingin ako sa kanya, medyo hindi naintindihan ang sinabi niya.
"Sabi ko pwede ka ba mamaya? Tulungan mo akong gumawa ng scrapbook at turuan mo na rin ako. Madali lang naman 'yon, diba?"
Umirap ako. "It's not that easy to make a scrapbook, Lorie. There's still a lot of paper you need to cut out and what kind of design do you want, by the way?"
"Design?"
"Yes! Pa-notebook ba o yung iba pang design?"
Kumunot ang noo niya at sandaling nag isip. Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan siya. Kung wag na muna kaya akong pumunta kina Zairus ngayon? Tulungan ko muna 'tong isang 'to! Tutal meron pa akong iniisip. Tungkol sa inamin ni Zairus.
He likes me. Matagal ko nang pansin 'yon pero hindi ko alam kung bakit ngayong sinabi niya na talaga ay nagdadalawang isip naman ako. Dati kinikilig pa ako pero ngayon parang hindi ko na gusto.
Gusto niya na ako. Sigurado akong hindi ko na mapipigilan 'yon. Gusto ko nang itigil ang plano pero nagkagusto na siya sa akin! Huli na ang lahat.
"Johanna!" hinampas ako bigla ni Lorie sa braso.
"Aww! Bakit ba?" iritado kong reklamo at hinawakan ang braso ko. Tumingin ako sa kanya.
"Hindi ka nakikinig! Sabi ko pwede ka ba mamaya? Pang ilang beses ko nang tanong 'to, ah?" iritado niya ring balik.
Umirap ako. "Oo na. Tutulungan na kitang gumawa ng scrapbook mo! Pwede ako mamaya."
She smirked. "You're not going anywhere?"
Iritado ko siyang tinitigan. "Do you want my help or not?"
"Syempre gusto! Ito naman, di mabiro. Ano bang problema mo? Tulala ka dyan," kinagatan niya ang sandwich niya.
Humarap ako sa kanya. "Alam mo naman yung tungkol sa pinupuntahan ko, diba?"
"Malamang. Si Zairus Velasco, right?"
My eyes widened because of what she said. "How did you know that?"
"Syempre kalat na sa buong school! Kahit saan ako magpunta, ikaw at ang lalaking 'yon ang pinag uusapan. At ikaw tinatanggi mo pa sa amin," umirap siya.
Ngumuso ako. "Yung tungkol sa kanya..."
"Ano?" nagtaas siya ng isang kilay.
"Sinaktan niya kasi yung kaibigan ko... si Allison. That's why I always go to them because we want to get back at him--"
"Not surprising. Palagi ka namang ganyan sa mga lalaki."
"What? Hindi kaya!"
"Tss. Oh, ano pa?" kinagatan niya ulit ang sandwich niya.
"Nahihirapan na kasi ako ngayon. Mahirap pala ang buhay nina Zairus. Maliit lang ang kinikita ng Papa niya sa araw araw at minsan wala pa! Kaya--"
"Kaya naaawa ka?" inunahan niya ako.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight (Agravante Series #3)
Romance[COMPLETED] Johanna Agravante never became serious in all of her relationships with men; she just loved to play with their hearts and their feelings. But when her friends dared something to her, when she met a very responsible, with a very nice hear...