KABANATA 7

510 22 0
                                    

Kabanata 7

Sweets

--

"Oh? Nagmamadali ka?" narinig ko si Allison nang lumabas ako sa classroom ko at halos tumakbo na ako palabas.

Napatingin ako sa kanya at nakitang kasama niya rin sina Jade at Trina. I stopped. I didn't know they were waiting for me. Hindi kami magkakapareho ng classroom kaya tuwing umaga at lunch lang kami nakakapag sama sama.

"Uh..." tumikhim ako. "Hindi naman..."

"Saan ka pupunta?"

Jade and Trina were just quiet behind Allison. They couldn’t look at me and I have a feeling that they're a bit angry with me too but I just ignored them.

I smirked at Allison. "Kila Zairus. Saan pa ba?"

Ngumiti siya. "I hope everything is just good?"

"Of course."

Tumango siya. "Hindi ka na namin aabalahin kung ganoon. Balitaan mo nalang kami."

Tumango ako at nauna nang umalis sa kanila. Napawi ang ngisi ko. I'm still up for our plan. Pero alam ko sa sarili ko na pinipilit ko nalang. Para kay Allison. Para mapaghiganti ko siya. Para hindi na siya masaktan.

I'm guilty. Simula nang nalaman ko kung gaano kahirap ang buhay nina Zairus, hindi ko na alam kung kanino pa ako papanig. Kung kay Allison ba at ipagpatuloy pa ang plano namin, or with Zairus and just stop this useless dare.

Yes, I know Allison was hurt. Zairus had to pay for what he did. Hindi walang kwenta 'yon. Pero ngayon ko lang kasi na-realized na mali itong ginagawa namin. Maling mali kahit sobra pa siyang nasaktan.

Pero... para sa kaibigan ko. Gagawin ko ang lahat.

"Tulungan ko na po kayo," sabi ko kay Tito Halton at kinuha ang isang walis nila.

Tutulungan ko siyang magwalis.

"Naku! Wag na, hija! Ako na ang bahala rito. Umupo ka nalang roon at lalabas na si Zairus maya maya."

"Sige na po. I can't do this kind of work in our house. Gusto ko naman pong ma-try. Please?"

Natawa si Tito. "Osige. Ikaw ang bahala. Basta wag ka masyadong magpakapagod. Baka kapag nalaman 'to ng Lolo mo, maparusahan ako."

"Naku! Hindi po, noh! Hindi po ganoon si Lolo. Spoiled po kami no'n pero gusto niya ring makita kaming may ginagawa," sabi ko at nagsimula nang magwalis.

"Talaga? Napaka bait pala ng Lolo mo, kung ganoon?" ngumiti siya.

"Sobrang bait po! Mukha lang 'yon strikto at galit pero mabait po 'yon. Mahal na mahal kami."

Lumabas si Zairus sa kanilang bahay at nakita kong bagong ligo na naman siya. Kumunot ang noo niya nang nakitang may hawak akong walis at nagwawalis roon.

"Oh, hi!" I waved at him and smiled sweetly.

Nakalapit na siya sa amin.

"Anong ginagawa mo?" nakakunot ang noo niyang tanong.

"Nagwawalis. I'm helping Tito Halton."

"Kaya na 'yan ni Papa. Itigil mo nga 'yan."

I pouted at what he said. What's the problem?

Tumawa si Tito Halton sa gilid namin. "Pinagbabawalan ko nga kanina pero ang sabi niya gusto niyang subukan."

"I really want to try. This is the only place I can do this. Baka mahimatay si Mommy kapag nakita niya akong nag gaganito sa bahay kaya sige na. Tutulong lang naman ako, e..." malambing kong sinabi sa kanya.

Under the Moonlight (Agravante Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon