This is the last chapter. Thank you!
--
Kabanata 35
Kiss
--
"Tara na?" nakangiti kong anyaya kay Zairus pagkatapos isakbit ang aking shoulder bag sa balikat.
He stood up on the bed and approached me. Hinapit niya agad ang baywang ko. Kanina pa siya naka ayos. He's wearing a black formal polo shirt at pantalon. While I'm wearing a simple baby pink dress. Sobrang gwapo niya sa paningin ko. Kitang kita pa ang muscle na sobrang laki!
Zairus crouched and kissed my lips. I closed my eyes and immediately returned his kisses. Akala ko aalis na agad kami pagkatapos kong mag ayos dito pero nagkamali pala ako.
"Let's go..." nangingiti kong sambit nang bahagya siyang humiwalay.
He smirked and bit his lower lip. Nanliit ang mga mata ko at naisip na tuksuhin siya para hindi naman masyadong halata na kinakabahan na ako rito.
"Kinakabahan ka, noh?" sabi ko.
Nagtaas siya ng kilay. "Bakit ako kakabahan?"
"E, kasi... this is the first time you'll meet my parents. As well as Lolo. Aren't you nervous?"
"No. Not at all."
Tss. Yabang! Ngumisi ako.
"Halika na nga!"
He chuckled and pulled me again. He kissed me for the last time at wala akong nagawa kundi pumikit. Parang umaalon ang puso ko sa bawat halik niya.
Nang humiwalay siya ay nagkatinginan kami. Ngumuso ako.
"Tss. Halika na..."
His lips rose for a smile. Umirap ako at pinilit na siyang umalis dahil walang mangyayari kung panay ang halikan namin dito! Baka mapagalitan pa ako nina Mommy at Daddy at baka pati na rin si Lolo dahil inabala ko sila ngayon tapos mala-late pa kami!
"Good evening po..." nakipag kamay si Zairus kay Daddy nang nakarating kami sa bahay.
"Magandang gabi, hijo," seryoso ang titig ni Daddy kay Zairus. "Pasok kayo."
Si Mommy ay parang nagdiriwang. Lalo na nang silipin niya ang kamay ko at nakitang may singsing doon! Gusto ko siyang pagalitan pero hindi ko magagawa 'yon sa harapan ni Zairus.
"Good evening, Senyor Agravante," si Zairus kay Lolo naman.
Lumapit na rin ako kay Lolo at pagkatapos nagmano. "Good evening, Lolo..."
Medyo matanda na si Lolo. Puti na ang buhok at medyo kulubot na rin ang mukha. Pero kahit ganoon ay nararamdaman ko pa rin ang lakas niya.
"Good evening. Sit down," anyaya ni Lolo na nasa harapan na ng hapag.
"May gusto ka bang kainin, hijo? Magpapaluto ako," si Mommy na maganda ang ngiti.
Gusto kong umirap. Dati ayaw na ayaw niya kay Zairus tapos ngayon... naging doctor lang... Tss. Pinalagpas ko nalang 'yon.
"Ayos na po ito. Thank you," Zairus replied formally and smiled.
"So, ano na? Engaged na ba kayo?" nagpapa unang tanong ni Mommy.
"Mom!" agad kong pigil.
But Zairus just smiled and nodded. Hinawakan niya ang kamay ko na may singsing at pinakita 'yon sa lahat.
"Yes, Ma'am. We're engaged. Iyon nga po ang dahilan kung bakit kami narito."
Napahawak ako sa aking noo. Hindi ganito ang pinlano ko kung paano sasabihin sa kanila! Si Mommy naman kasi masyadong excited!
![](https://img.wattpad.com/cover/284693431-288-k77830.jpg)
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight (Agravante Series #3)
Romance[COMPLETED] Johanna Agravante never became serious in all of her relationships with men; she just loved to play with their hearts and their feelings. But when her friends dared something to her, when she met a very responsible, with a very nice hear...