Kabanata 5
Bored
--
"Talaga?!" nanlalaki ang mga mata nina Jade at Trina at pagkatapos ngumiti sila nang pagkalaki laki.
"Yup!" I smirked. "Gumagana ang plano natin, girls."
"Finally! Didn't he say anything? He didn't deny it?" si Jade.
"Wala. Obvious naman na."
"Nagseselos na siya! Dapat mas lalo pa nating pagbutihin. Sigurado akong anytime soon mawawasak na talaga ang puso ni Zairus!"
"Mas lalo akong ginaganahan rito. Ano kaya magiging reaksyon niya kapag siya naman ang sinaktan ni Johanna? Ang laki ng tiwala ko rito sa kaibigan natin dahil alam kong marami na 'tong napaiyak na lalaki," si Trina.
"And it's all just a game for her. Hindi nagseseryoso si Johanna."
"I'm so excited about what's going to happen!"
I grinned as I watched Jade and Trina. They are really happy that our plan worked right away. Akala nila magtatagal pa dahil suplado daw si Zairus.
Nilingon ko ang tahimik na si Allison sa tabi ko. Nandito ulit kami sa field, sa may bench. Nakaupo kaming dalawa habang nasa harapan namin sina Jade at Trina, still talking about how excited they were about the plan.
"Are you okay?" I asked Allison.
"Yup," ngumiti siya sa akin. "I just can't believe it..."
"Huh? Ang alin?" taka kong tanong.
"Na nahulog agad siya sayo. Samantalang sa akin... hindi manlang siya nagkagusto..." she looked down at her hands.
Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko roon.
"But it's okay. I still want to continue this. Sana lang maging successful tayo," she smiled at me.
"Allison, you know this is just a game for me, right?" I said.
She smiled and lowered her gaze to her hands again.
"You know I will never like Zairus. No matter how much he likes me."
"Alam ko. Malaki ang tiwala ko sayo. Nalulungkot lang ako dahil crush na crush ko siya. Feeling ko nga mahal ko na siya. He's so handsome, seryoso sa pag aaral, hindi rin mabarkada, walang bisyo. Lahat ng gugustuhin ko sa lalaki nasa kanya na. So it hurts me now that... he likes you. Habang ako... hindi niya manlang tinignan."
Nalungkot ako para sa kaibigan. Guilty as well. I feel like I don't want to go to Zairus anymore and don't continue this plan because I might hurt Allison more.
"May mas better pa na lalaki na magmamahal sayo. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo, noh!" I tried to light the mood.
She smiled and looked at me. "Hindi ko alam na alam mo 'yan. Akala ko ba hate mo ang mga lalaki?"
"Hindi, ah. I don't hate my Dad. I just want to... you know... have fun."
"Masaya bang paglaruan ang feelings ng mga lalaki?" inosente niyang tanong.
Hindi naman sa masaya! I'm just enjoying it. But I don't want Allison to be like me. Mabait siya, matalino, malayo ang mararating. Ayokong magaya siya sa isang tulad ko na walang ibang ginawa kundi manakit ng mga lalaki.
"It's not fun. So don't you ever do it," I said.
"But why are you... doing it?"
"Coz I love doing it. Ikaw? Would you like to do that? Can you control your conscience like I do?" nagtaas ako ng kilay at ngumisi.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight (Agravante Series #3)
Romansa[COMPLETED] Johanna Agravante never became serious in all of her relationships with men; she just loved to play with their hearts and their feelings. But when her friends dared something to her, when she met a very responsible, with a very nice hear...