KABANATA 19

576 18 2
                                    

Kabanata 19

Dream

--

"Don't be such an ass, Elizabeth. Pagbigyan mo naman ang ibang lalaki, wag puro 'yang Branded na 'yan!" si Lorie habang naglalakad kami sa kalakhan ng field.

"It's Brandon, not Branded, Lorie!" si Elizabeth.

Issa laughed. "Branded..."

Natawa rin si Mina. "Who the hell is Branded?"

"Basta! Wag na kayong makialam. Ikaw? Ba't hindi mo pa sagutin 'yang mga nanliligaw sayo, Lorie?" nagtaas ng isang kilay si Eli.

"Why would I? Wala naman akong gusto sa kanila."

"Sus. Ang ganda mo, ah."

"Bakit hindi niyo komprontahin itong si Johanna? Hindi na nanlalalaki," Lorie turned to me and grinned.

Umirap ako. "Nadamay pa ako..."

"Well, because we already know the reason for that. Ngayon ang sinasabi ko bakit hindi ka pa magboyfriend. Tito Rolando and Tita Alexanna won't be mad for sure!"

"Hindi ko kailangan ng boyfriend," sagot ni Lorie.

"Ang arte. Pero sino nga bang magkakagusto sayo kapag ganyan ka? You're so sungit."

"Anong sinabi mo?" sumugod agad si Lorie kay Elizabeth.

"Oh," natatawang bawal ni Issa.

"I'm just kidding!" Elizabeth chuckled and ran away from Lorie.

"Hoy! Masyado lang mataas ang standards ko kaya wala akong gustong lalaki! Tsaka ano naman kung masungit ako? I won't accept a man who can't accept my personality!"

"Wow... Hindi halata na may alam siya sa love," sabi ko habang pinapanood ang naghahabulan kong mga pinsan.

"Hindi ko alam na alam mo pala ang salitang love," si Mina.

I immediately turned to her. Issa chuckled. She immediately stepped between the two of us when she saw my eyes burning for my sister.

"Tama na. Pati ba naman kayo mag aaway pa?"

Mina smirked at me. Ngumuso naman ako at inirapan nalang siya.

Ilang araw na ang nakalipas. Masyadong maraming nangyayari ngayon sa pamilya namin. Si Mom pinapares si Mina sa kahit na sinong lalaki kahit pa ayaw naman ni Mina ng ganoon. As a sister, of course I would get angry. Mina doesn’t know those kinds of things yet so our mother shouldn’t be forcing her. Masyado pa siyang bata at inosente.

Naiintindihan ko naman si Mommy dahil walang magmamana ng kumpanya. She knows Mina loves to bake while me, I have my passion for music. Wala sa aming dalawa ang interesado sa business. And this is the only way to save our companies in the future. To pair us with the son of their business partners.

I am the first born of the Agravantes. Mas matanda ako kay Issa ng ilang buwan. Our business was supposed to be my responsibility but because my Lolo knows my love for music is to the moon, he gave the responsibility to Issa, Lorie and Eli. Tutal gusto naman nilang tatlo mag handle ng business.

Now my Mom can't accept it! Hindi niya naman ako pinipigilan sa pagkanta pero sigurado akong hindi siya titigil ipares kami ni Mina sa kung sino sinong business partners nila!

I can't believe it. Bakit kasi ayaw pang mag anak ng isa pa. Baka iyon magustuhan ang business tapos ako magkakaroon ulit ako ng baby. Si Mina masyado nang malaki.

But other than that, may mas malaki pa akong inaalala. Hinayaan ko na talaga si Zairus na umalis. But I know I just did the right thing. At matagal pa naman 'yon. Magkakasama pa kami sa mga susunod na araw.

Under the Moonlight (Agravante Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon