KABANATA 29

683 25 1
                                    

Kabanata 29

Remember

--

"It's my last day tomorrow. Magpapahinga lang ako sandali sa bahay at pagkatapos babalik na sa pagtatrabaho," sabi ko kay Zairus habang nakaupo ako sa kama, nasa ibaba ang mga paa ko.

May chinecheck ulit si Zairus sa akin. Siya ang nagpalit ng tela sa ulo ko. Ang nurse lang dapat ang gagawa no'n pero siya ang gumawa.

Umalis ulit sina Mommy at Daddy. Mukhang maraming inaayos sa kumpanya. Maayos naman na ako kaya naiiwan na nila ako, hindi na sila nag aalala. I'm fine with it, though. Matanda na ako, kaya ko nang alagaan ang sarili ko. Tsaka sapat na sa akin ang pagbisita at pagtulog nila dito ng ilang mga araw. Ang mga pinsan ko naman ay busy sa kanya kanya nilang business.

"I'm glad you're already fine. Hindi na ba bibisita ang Mommy at Daddy mo?" Zairus asked, standing in front of me.

Nakatingala naman ako sa kanya. Umiling ako.

"They're busy. There's a lot to do in the company. Ayos naman na ako. Kaya ko nang mag isa," sabi ko.

He nodded and smiled. I smiled too. He then crossed his arms and glanced at my guitar laying on the sofa. I also looked there. Sometimes I use it when I'm bored. Nag eenjoy ako kapag nandyan ang gitara ko.

"Can you sing a song for me?" si Zairus na tumingin ulit sa akin.

Nagtaas ako ng isang kilay sa kanya. Sing a song for him? Natawa ako.

"Why did you suddenly think of that?"

"Wala lang. I just want to hear you sing again."

"Hindi ka ba busy? Hindi ba, dapat maraming ginagawa ang mga doctor?" nanliit ang mga mata ko sa kanya.

He smirked. "I don't have anything to do now. Mamaya pa. So, would you sing a song for me, Miss?"

Umirap ako at napailing. Miss? Seriously? Tumayo na lamang ako at kinuha ang gitara ko habang nangingiti. Umupo ulit ako sa kama pagkatapos. Nakatayo pa rin si Zairus sa harapan ko.

"Anong gusto mong kantahin ko para sayo?" tanong ko.

There's a ghost of a smile on his lips. "Whatever you want. You decide."

Ngumuso ako at sandaling nag isip. I have so many favorite songs. But there's only one song I could think of to sing for him.

Hinanda ko ang gitara ko at dahan dahang nag strum doon. This is one of my favorite songs. I don't only like its beat, I also like its lyrics.

Zairus took the chair not far away and brought it in front of me. Tiningnan ko siyang umuupo sa harapan ko. Nagtaas ako ng isang kilay at ngumisi sa kanya. May ngiti naman sa mga mata niya habang tinititigan ako.

Sobrang hot at gwapo naman ng doctor na 'to. Paano ako makakapag focus nito?

Tumikhim ako at hindi nalang siya pinansin. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang gitara at pagkanta ko. Patuloy ako sa pag strum hanggang sa handa na ako.

"For every simple thing you gave me
For the special times we spent
For every smile you painted on my face..."

"For understanding my limitations
For putting up with my frustrations
For always being there every step of the way..."

I remember the first time I met him. Nung nagpanggap akong natalisod para lang mapansin niya. Nakakahiya ang mga pinag gagagawa ko noon, ngayon ko lang na-realized. Nakakatawa. It's embarrassing but it's also funny.

Under the Moonlight (Agravante Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon