Kabanata 28
Love
--
"Hindi makakabisita sina Marianna sayo dahil maraming media sa labas. Pinagbawalan din sila ng JayHi. Siguro magkikita kita kayo pagkatapos mo pang makapag pahinga," si Tita Brenda habang nakahalukipkip sa tabi ko.
I nodded and took a deep breath. I missed them so bad. I haven't seen them in a long time. I still have two days in the hospital and then I have to rest at home for a few more days. I already have my own house but for now uuwi ako sa amin dahil sa kalagayan ko. Nag aalala sina Mommy at Daddy sa akin.
"I'm also working on what Dylan said in his video that is still spreading on social media. Pinagkakaguluhan pa rin ng marami 'yon lalo na ng mga teenagers. Kinikilig sila at nagagalit pa sa company dahil ayaw siyang pabisitahin sayo."
What? Umirap ako at napabuntong hininga.
"Hindi ko alam kung ba't niya sinabi 'yon, Tita. Wag kayong maniwala roon at sana wag din siyang paniwalaan ng JayHi. Magiging delikado ang career ko, lalo na ang Zheill pag nagkataon."
"I know. Pero mabuti at alam mong magiging delikado ang career mo. You are not allowed to have a boyfriend. Sina Marianna, Olivia at Charlotte din. Distraction 'yon sa trabaho niyo lalo na ngayong sumisikat na kayo."
"Alam ko po..." ngumuso ako at kumunot ang noo nang naalala si Zairus.
"Mabuti naman. Oh, siya, sige na. Hindi ako pwedeng magtagal. Magpahinga ka nang mabuti rito," paalam ni Tita Brenda.
I just nodded and then she left. I was left alone in the room. Sina Mommy at Daddy ay sandaling umuwi para kumuha ng iilang mga gamit at para na rin asikasuhin sandali ang naiwan nilang mga trabaho sa kumpanya. Doble doble naman ang bantay ko rito kaya kampante sila.
"Psst! Lando!"
Napatingin sa akin ang bodyguard kong nasa may pintuan sa loob ng kwarto ko.
"Po? Ma'am?" bahagya siyang lumapit sa akin.
Umalis ako sa kama ko at naglakad patungo sa kanya. Naghihintay lang naman siya ng sasabihin ko o ng ipag uutos ko.
"Marunong ka bang kumanta?" tanong ko.
"P-Po? Kumanta?" mukhang hindi niya inasahan 'yon.
Ngumisi ako. "Oo! Kumanta! Like... rock and roll!?"
Pilit siyang tumawa at napakamot ng ulo. "Ah... e... hindi po ako marunong, Ma'am."
Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. "Ano ba 'yan! E, mag gitara nalang? Marunong ka?"
Umiling siya. "Hindi rin po, Ma'am..."
"Hays! Nakaka bored naman dito! Wala bang pwedeng pagka abalahan?" tanong ko sa sarili at sandaling nag isip.
"Hindi po ba dinala na nina Jomer ang gitara niyo, Ma'am?" si Lando.
"Oo. Pero nangangawit din 'tong mga daliri ko, noh! Kahit gaano ko pa kagustong magpatugtog, masakit na ang kamay ko."
"Ganoon po ba..." nag isip din siya ng pwede ko pang pagka abalahan.
"Ah, alam ko na!"
Gulat na napatingin sa akin si Lando dahil sa biglaan kong pagsigaw. Ganoon na rin ang isa ko pang bodyguard na nakatayo sa gilid ng pintuan napatingin sa akin. I grabbed Lando's arm. Mas lalo siyang nagulat.
"Tutal wala naman sina Mommy at Daddy, samahan niyo nalang ulit akong maglibot sa lahat. Punta tayo sa garden! Gusto kong makita 'yon ngayong maliwanag na," sabi ko.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight (Agravante Series #3)
Romance[COMPLETED] Johanna Agravante never became serious in all of her relationships with men; she just loved to play with their hearts and their feelings. But when her friends dared something to her, when she met a very responsible, with a very nice hear...