KABANATA 2

689 22 1
                                    

Kabanata 2

Seryoso

--

"Tapos?" Allison asked excitedly as I told her about what happened yesterday.

Nandito ulit kami sa mga bench sa field ng school.

"Naiinis pa rin siya sa akin. Lalo na noong kinausap ko yung Papa niya at sinabi kong magkaibigan kami."

"Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'yon," si Jade.

"Pero in fairness, ah? Ang gwapo niya," si Trina.

"Gwapo nga pero ang sama naman ng ugali," Allison said and turned to me. "Do everything you can to make him fall for you. Then leave him too like he did to me! This is our dare to you, Johanna."

Alam kong mali ang gumanti pero sa sobrang inis namin kay Zairus ay hindi na namin naisip pa 'yon. Tumango ako kay Allison at ngumisi. Ipaghihiganti ko siya. Ako na ang bahala sa lalaking 'yon.

"Oh yeah! This is our dare," si Trina.

"Ano naman ang magiging kapalit dito sa dare na 'to?" tanong ko.

Nagkatinginan silang tatlo. Tumawa ako.

"Just kidding. Kahit wala nang kapalit. Ang gusto lang naman natin ay mapaghigantihan si Allison, diba?"

"Thank you, Johanna!" si Allison.

"You're welcome, my dear friend..." I smirked.

"So kilala ka na ng Papa niya. Anong sinabi niya sayo?" tanong ni Jade.

"Wala. He just offered me food," I shrugged. "His Dad is kind."

"Pero si Zairus hindi. Hay naku! Saan kaya nagmana ng kasupladuhan 'yon? Ang rinig ko naman ay mabait ang Mama no'n."

Kumunot ang noo ko at napatingin kay Jade. "Who's his Mom?"

"Patay na ang Mama niya. Namatay daw noong ipinanganak siya."

"Why do you know that?" I asked and took a bite on my sandwich.

"Naririnig lang namin tsaka nagtanong rin kami sa iba naming kaibigan doon sa Lacosta University. Kilala kasi roon si Zairus kaya alam nila. Gwapo nga kasi kaya kilalang kilala," si Trina.

"Heartthrob ang isang 'yon do'n?" natatawa kong tanong.

"Oo."

"Sa bagay. Medyo gwapo nga siya."

"Anong medyo? He's super gwapo! Nakakainis nga lang at ganoon ang ugali niya. Sinaktan pa itong si Allison. Kaya ayoko na roon kahit crush ko din 'yon dati," si Jade.

"Ngayon alam na natin ang ugali niya. Hindi na dapat natin siya magustuhan!" si Allison.

"Dapat sa kanya saktan din. Sana talaga maging matagumpay ang plano natin."

So that same day I returned to Zairus' house. Yes, I know he's already annoyed with me but he can't do anything. And I don't want to stop this. Ipaghihiganti ko ang kaibigan kong sinaktan niya!

Alam ko namang sobrang immature. Pero ang sabi kasi ni Allison, nagbigay si Zairus ng motibo! Kung hindi niya naman talaga gusto si Allison at tanging pagkakaibigan lang ang tingin niya sa kanya, dapat hindi na siya nagpakita ng motibo! Naiisip ko tuloy na sinadya niyang saktan at paasahin ang kaibigan ko.

"Hello!" nakangiting bati ko kay Zairus.

Hawak niya ang hose nila at ngadidilig naman siya ng halaman ngayon. Ang sipag talaga ng lalaking 'to. Parang kaya niyang gawin lahat ng trabaho, e.

Under the Moonlight (Agravante Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon