Kabanata 18
Promise
--
Wearing a soft pink dress and a cream stilettos, I put my guitar on my right shoulder and walked out of my room. Nakalugay ang buhok ko habang ang palda sa dress ko ay sumasayaw bawat hakbang ko palakad.
"Where are you going?" tanong ni Mommy na nasa sala at nagkakape.
"To see my friends?" humalik ako sa pisngi niya.
"Friends?" nagtaas siya ng isang kilay at tiningnan ang gitara sa balikat ko.
"Yeah. Hindi na muna ako makakasabay mag dinner ngayon, Mom. Kakain kami sa labas," iyon lang at umalis na ako.
Hindi niya naman ako pinigilan. Nagpahatid ako sa driver namin at umalis na kami sa bahay. Nakatingin lamang ako sa bintana ng sasakyan habang umaandar. Kita ko ang madilim nang daan at ang mga sasakyang umiilaw. Sigurado akong malamig na naman.
Kaninang umaga pinag isipan ko na talaga 'to nang mabuti at alam kong tama lang itong gagawin ko. Papayag akong umalis si Zairus hindi dahil wala akong choice, kundi dahil alam kong pangarap niya talagang maging doctor at makapag aral sa ibang bansa. Alam kong doon siya magiging masaya. I don't want him to be sad with me anymore. I want him to do what he wants for himself and also for Tito Halton.
I will be hurt, yes. Ngayon pa nga lang nasasaktan na ako hindi ko pa man nasasabi sa kanya na payag na akong umalis siya. But I know I can handle it. Basta wag lang siyang mambabae! Hihiwalayan ko talaga siya agad.
Bumaba ako sa sasakyan namin nang nakarating sa sinabi kong restaurant. Tiningnan ko muna 'yon mula sa ibaba hanggang sa itaas.
Tama nga ako, malamig na naman ang gabi. There are many stars in the sky and I can also see the moon shining because of its light.
This is my favorite restaurant because apart from the fact that I love sweets even though I'm on a diet, I also like their rooftop with the city lights below. Nasisilayan ko rin palagi ang mga bituin sa langit at ganoon na rin ang buwan. Nakikita ko rin naman sila rito sa ibaba pero mas better doon sa itaas. Mas maganda.
Nasa labas ang hagdan papuntang rooftop kaya hindi ko na kailangan pang pumasok sa loob ng restaurant. Hindi ito gaya ng mga mamahaling rsstaurant. Simple lang pero sobrang ganda. Tsaka puro sweets, coffe, at kung ano ano pang deserts ang pagkain nila. Hindi ito yung sobrang mahal na restaurant.
"Kaya mo 'yan... Kaya mo 'yan..." paulit ulit kong sinabi sa sarili habang umaakyat sa hagdanan.
Sabi ni Zairus nandito na siya, nagtext sa akin. Kanina pa 'yon kaya siguradong naburyo na 'yon kakahintay sa akin.
Nang naka akyat ako sa itaas, nakita ko ang kaunting taong kumakain roon. Karamihan sa kanila mga nagda-date na couples. Ang ganda nga naman kasi rito. Sobrang romantic.
I immediately saw Zairus in the distance. Nakaupo siya sa pang dalawahang table. He's wearing a sky blue polo shirt and black jeans. Napansin kong parang nag ayos siya ngayon. Sobrang gwapo. Makintab at maayos na maayos rin ang kanyang buhok.
Bahagya akong napangiti. Mukhang pinaghandaan niya 'to nang mabuti, ah?
Lumapit ako sa kanya at agad niya naman akong nakita. Tumayo siya. I immediately saw the concern in his eyes so I quickly smiled to show to him that everything is just fine.
"Hi!" bati ko nang nasa harapan niya na ako.
"Kumusta? Ayos ka na ba?" tanong niya.
"Of course! I told you it's just a little problem at home, it's normal," I chuckled a bit and looked at his face. "Ang gwapo mo ngayon, ah? Nag ayos ka?"
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight (Agravante Series #3)
Romance[COMPLETED] Johanna Agravante never became serious in all of her relationships with men; she just loved to play with their hearts and their feelings. But when her friends dared something to her, when she met a very responsible, with a very nice hear...