KABANATA 13

494 20 0
                                    

Kabanata 13

Picture

--

Umaga at magkakasama kami nina Allison, Jade at Trina sa field ng school. Hindi ko alam kung paano sisimulan sabihin kay Allison na gusto ko nang itigil ang plano namin. Ang dare. Ang walang kwentang dare!

"Allison..."

Lumingon sa akin si Allison na may ngiti pa sa labi dahil sa pinag uusapan nila nina Jade at Trina. Tahimik lang ako kanina habang nakikinig sa kanila at pinag iisipan ang sasabihin kong ito.

"Bakit?" tanong niya.

"Yung tungkol sa plano natin..." panimula ko.

Jade and Trina stopped laughing and then looked at me. Humarap naman sa akin ngayon si Allison na para bang binibigay niya na ang buong atensyon niya sa akin. Naging interesado agad siya sa binuksan kong topic.

"What about it?"

"Para kasing hindi gagana. Parang... hindi ko siya mapapahulog sa akin..." sabay iwas ko ng tingin.

"Huh?" parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko at natawa. "Anong hindi mahuhulog? Lahat ng lalaki nahuhulog sayo, Johanna. At hindi ba gusto ka na niya?"

"Hindi pa ako sigurado do'n, Allison. Sinabi ko na, diba? Magulo siyang tao. Hindi ko maintindihan. Kaya hindi pa ako sigurado sa nararamdaman niya..."

Sandali siyang nag isip sa sinabi ko. Nag abang naman ako dahil umaasa ako na ititigil niya na ang plano na 'to.

"S-Sige. Sabihin na natin na hindi nga siya mahuhulog sayo pero bakit parang gusto mo nang sumuko?" tumingin siya akin.

Hindi ako nakapag salita.

"Ayaw mo manlang bang subukan? Malay mo magustuhan ka rin niya. At... hindi ganyan ang nakilala kong Johanna Agravante. Lahat ng lalaki nahuhulog sayo. Why are you giving up now?"

Napakurap kurap ako sa mga sinabi niya. Nakatingin lang sa amin sina Jade at Trina.

"O-Of course someone still won't like me!" I stuttered. "Like that guy. Looks like my charms won't work on him..."

"Then... anong gusto mong mangyari?" singit ni Trina.

Tumingin ako sa kanya. Nakahalukipkip siya habang may subo na lollipop. Nakatingin rin sa akin si Jade. Habang si Allison naman ay nakatitig sa akin na para bang may binabasa siya sa mga mata ko.

"That maybe... let's just stop this dare? Tutal mukhang hindi nga siya mahuhulog sa akin..." deretso kong sagot.

"What? That can't be!" si Jade.

Nagulat rin si Trina. "Kailangan niyang masaktan dahil sinaktan niya si Allison!"

"Alam ko. Pero mukhang hindi nga gagana, okay?" tumingin ako sa kanila.

Hindi sila nagsalita.

"B-But... that's only a suggestion. Gusto ko lang malaman niyo na mukhang hindi gagana sa kanya ang plano natin na 'to. Of course we'll still continue..." I bit my lower lip.

"That's impossible!" si Jade. "Wala pang lalaki ang tumatanggi sayo, diba? I'm sure mahuhulog rin sayo ang Zairus na 'yon!"

"Gusto mo nang tumigil, Johanna?" si Allison kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Hindi naman sa ganoon, Allison... Sinasabi ko lang na mukhang hindi talaga gagana ang plano natin. Hindi ko naman sinabi na gusto ko nang itigil nang tuluyan ang plano. Syempre gusto ko pa ring hingin ang opinyon niyo."

Under the Moonlight (Agravante Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon