KABANATA 14

517 22 5
                                    

Kabanata 14

Game

--

Nung gabing 'yon pagkatapos kong pumunta kina Zairus lumabas kami ng mga pinsan ko para dumalo sa isang party. Isang schoolmate daw namin ang natanggap sa isang model agency kaya naman may pa-party siya ngayon. Invited kaming magpipinsan.

Inakbayan ko si Lorie na sumama sa amin ngayon. Sa isang restaurant gaganapin ang party. Rooftop iyon at may kantahan na para bang nasa bar ka. Hindi gaanong magulo kaya siguro siya sumama ngayon.

"Loreleil!" maraming bumati sa kanya.

Marami nang tao at may nagkakantahan na. May mga alak pa kaming nakita but we're not allowed to drink. Kapag nalaman ng mga magulang namin na uminom kami, we will probably be grounded for a month. Hindi pwede 'yon! Hindi ako makakapunta kay Zairus.

"Johanna! You're here!" si Allison na nagulat ako nandoon rin.

"Hi..." pilit akong ngumiti at nakita sina Jade at Trina sa table nila.

"Oh! Nandito ang lahat ng pinsan mo. Kumpleto kayo ngayon, ah? Sumama si Loreleil..." she looked at my cousins ​​who are already talking to some acquaintances.

"Ah, yeah. Invited rin pala kayo. Saan kayo?" tanong ko.

"Dito," she pointed their table and she smiled. "Gusto niyong maupo kasama namin?"

"Johanna, let's go," Lorie grabbed my arm.

Nilingon ko siya at nakitang gusto niyang magpunta sa table na medyo walang tao. I turned to Allison and she knew right away that we couldn’t sit with them. Maliit siyang ngumiti at tumango sa akin.

"I guess... mamaya nalang?" anya.

"Sure. Sorry," sabi ko.

And I don't seem to want to sit with them either. Alam kong kakausapin niya lang ako tungkol kay Zairus at hindi ako sigurado kung mapipigilan ko pa ang bibig ko. Gusto ko na talagang itigil ang plano namin na 'to at ayaw ko siyang masaktan.

"Lorie! Ang kj mo naman, e. Doon tayo malapit sa kanila," si Eli na nagmumukmok na naman nang naupo ang mga pinsan namin sa malayong table.

"Lalapit sila sa atin. Gusto ko lang dito dahil mahangin. Malapit sa dulo," sagot ni Lorie at tumingin sa mga schoolmates namin na palapit na.

Nilingon na rin namin sila. Ngumisi ako at agad bumati. Binati ko ang mga kakilala ko roon.

"Johanna! Sama ka sa picture namin. I-post sa facebook!" si Yena.

"Sure!" sabi ko at agad nag pose sa camera nila.

"Ngayon na namin ipo-post!"

"Tag niyo ako, ah?" sabi ko.

"Of course!"

"Uy, Johanna. Alin dito acc mo? 'Di pa kita friend!" anang isang kakilala.

"Oh? Here. That's me," I said and pointed my profile on her phone.

"Thank you!"

"I'll accept you agad!" I said and picked up my phone.

"Johanna, isang shot naman dyan!" tinaas ng isang lalaking kakilala ang isang baso na may alak.

"Hindi pa pwede. Next time!" sabi ko sabay halakhak.

"Ang conservative naman! Isa lang, oh!"

"Isang shot lang, Johanna!" tukso na rin ng iba.

I laughed and raised my hand, accepting the glass. Naghiyawan agad sila at inabot ang baso pero ang kapatid kong si Mina ay agad nakisingit.

"Hindi pa pwede! And it's her first time. Baka malasing agad siya," anang mahinhin na boses niya.

Under the Moonlight (Agravante Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon