Kabanata 31
Eat
--
"Hello?" sagot ko sa tawag ni Marianna.
"Nandyan na ang sundo mo sa baba ng condo mo. Pinadala ni Tita. Take care, okay?"
"Yup! Thank you! Thank you din pakisabi kay Tita. Hindi lang talaga ako makapag drive ngayon, masakit ang katawan ko sa pagpapractice natin!"
Marian chuckled. "Basta mag ingat ka. You don't have a bodyguard with you."
Kaunti pang usapan at binaba niya na ang tawag. Bumaba na rin ako mula sa condo ko. I already have my own house but it's far from here. I plan to live there when I'm done working, away from people who know me. Kaya madalas dito lang ako sa condo ko sa ngayon.
"Johanna."
I gasped in shock when someone suddenly grabbed my hand, nasa madilim akong parking lot ng condominium!
"Dylan!" gulat kong nasabi nang nakita ang masasayang mata ni Dylan.
He smiled. "Yes, it's me. Kumusta ka na? Pasensya ka na hindi ako nakabisita sayo sa ospital kasi--"
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang nakabawi.
Natigilan siya. Binawi ko ang mga kamay ko sa kanya, halos mandiri.
"Johanna, what are you saying? Nandito ako para kumustahin ka. Tsaka magsorry dahil hindi ako nakadalaw sayo sa ospital."
"Pwede ba? Tigilan mo na 'to, Dylan. I told you clearly before that I don't like you. Can't you understand that?"
Nagdilim ang mga mata niya sa sinabi ko. "Nanliligaw ako sayo--"
"Tinanggihan kita! At talagang gumawa ka pa ng video na hanggang ngayon pinagkakaguluhan pa rin ng mga tao! Alam mo bang naging delikado ang career ko lalo na ang Zheill dahil sa ginawa mong 'yon?"
"We love each other! Bakit ka ba pumapayag na magpaalipin dyan sa kumpanya mo?"
"Hindi ako nagpapa alipin! And what do you mean we love each other? Hindi mo ba ako narinig? I don't like you!" I said directly to his face.
Mas lalong nagdilim ang mga mata niya. I shook my head and was about to pass him when he suddenly grabbed my arm again!
"Ano ba?!" iritado kong bulong dahil baka may makarinig sa amin dito.
Though, mukhang wala namang tao sa sobrang tahimik. Medyo kinabahan tuloy ako.
"Bitawan mo nga ako, Dylan!" pagpupumiglas ko.
"Mahal natin ang isa't isa! Noon pa man! You're just rejecting me now because you're not allowed to have a boyfriend! Pwede ba, Johanna? Wag kang magpa alipin dyan sa kumpanya mo!"
Marahas kong binawi ang braso ko mula sa kanya. Nabitawan niya ako. Matalim ko siyang tiningnan.
"Kung ayaw mong magkasakitan pa tayo, umalis ka nalang. Huli ko nang sasabihin sayo 'to. Hindi kita gusto! Ayaw kong masaktan ka dahil nirerespeto ko 'yang nararamdaman mo kahit papaano pero masyado ka nang makulit! Hindi kita mahal, Dylan. May iba akong mahal!"
I turned my back on him after I said that. Fortunately, I also found our car right away. Pumasok agad ako roon. Nagpupuyos pa ako sa galit at malakas din ang kalabog ng puso ko sa kaunting kaba na naramdaman.
He's on drugs. That was obvious from his appearance. He didn't look like that before. He was handsome and had an athletic body. But now, he is very different. Maitim ang ilalim ng mga mata niya. Para na ring may bukol ang pisngi niya sa sobrang payat niya.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight (Agravante Series #3)
Romantizm[COMPLETED] Johanna Agravante never became serious in all of her relationships with men; she just loved to play with their hearts and their feelings. But when her friends dared something to her, when she met a very responsible, with a very nice hear...