Kabanata 26
Start
--
Nagising ako kinabukasan at nagpuntahan nga ang mga Tito at Tita ko. Kinamusta lang nila ako at sandaling nagstay sa kwarto ko. Agad din silang umalis dahil may trabaho pang kailangang gawin sa kumpanya.
Pinuntahan ko sina Marianna. Our rooms are just next to each other. Hiwa hiwalay kami ng kwarto, puro private. They were all fine and did not suffer any serious injuries. Just scratches and small wounds. Ako lang ang may pinaka malalang natamo.
"Ayos lang ako. Ikaw dapat ang magpahinga dahil ikaw ang may pinaka malalang natamong sugat," si Marianna. "I'm sorry I can't visit you. Ang sabi kasi ni Tita Brenda bawal ka pang bisitahin. The Agravantes don't want other visitors."
"Oh? They said that? Maayos naman na ako, ah?"
"Ewan ko. Pero hindi na mahalaga 'yon! Ang mahalaga nalaman kong maayos ka na. Nag alala ako sayo nung nalaman ko na naapektuhan ang ulo mo! Akala ko kung ano na ang nangyari sayo!" nag aalala niyang sinabi at niyakap ako.
I laughed and hugged her back as well. Nabisita ko na rin sina Olivia at Charlotte. Maayos din silang dalawa. Nag alala rin sa akin pero sinabi kong ayos na ako kaya ngayon medyo nakahinga na sila nang maluwag.
Nakaupo ako sa kama habang pinapanood si Zairus na i-check ang kung ano ano sa akin. May sinusulat din siya sa papel at nagtatanguan sila nung nurse na kasama niya.
Nasa labas sina Mommy at Daddy, siguro lumabas muna para magpahangin o uminom ng kape.
Ngumuso ako at tiningnan ang babaeng nurse na kanina niya pa kabulungan. I can't hear much of what they're talking about but it seems like it's just about my condition.
But still! Kumunot ang noo ko sa babae. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nairita sa kanya.
The woman caught a glimpse of my gaze on her. I noticed her slight pause and a little fear because of my stare. She quickly turned her eyes to something else and I saw her swallowed hard.
Tumikhim si Zairus dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakatingin na siya sa akin. Mukhang napansin niya ang titig ko roon sa kasama niya.
"You're fine now but you still need to rest. You still need to stay here in the hospital for a few more days until your head is healed. I will tell this to your family," he said.
"Okay..." I said and turned my attention back to the woman.
Nasulyapan niya ulit ako kaya mabilis niyang binaling sa papel ang mga mata. She blinked and I noticed a slight trembling of her hand. She moved a little away from Zairus.
"Are you still feeling anything? Your head still hurts?" Zairus asked.
"Not anymore..." I replied while not taking my eyes off the woman.
Tumikhim si Zairus. I looked at him again because of that. Mukha naman siyang seryoso pero napansin ko kasi ang kagustuhan niyang ngumiti. My eyes narrowed and my head tilted as I watched him.
"Tell me when your head hurts again. Have you eaten yet?"
Gusto kong magtaas ng kilay. Required ba para sa mga doctor na tanungin kung kumain na ang pasyente nila?
"Hindi pa. Kakain palang. Pagdating ng mga pinsan ko," sagot ko.
He nodded. "Then, you should rest. There's water on the side table if you're thirsty. Aalis na kami."
Sumimangot ako. Tumingin ulit ako sa babaeng kasama niya na mukhang gusto na ring umalis dahil sa mga titig ko. Wala naman siyang ginagawang masama pero hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight (Agravante Series #3)
Romance[COMPLETED] Johanna Agravante never became serious in all of her relationships with men; she just loved to play with their hearts and their feelings. But when her friends dared something to her, when she met a very responsible, with a very nice hear...