KABANATA 30

692 23 0
                                    

Kabanata 30

Boyfriend

--

"Nakapag usap na kayo ni Dylan?" tanong ni Olivia habang nasa harapan ako ng salamin, inaayusan.

Nilingon ko siya at bigla ngang naalala si Dylan. I rolled my eyes. The issues between the two of us have not been resolved yet. Hindi ko alam kung ba't siya gumawa ng ganoong video samantalang wala namang namamagitan sa aming dalawa.

Dylan is an actor and a singer too. Solo singer. There are reports that he is doing drugs and that is not good for his image. Wala naman akong pakialam dahil matagal na kaming tapos, high school palang. Tsaka tinanggihan ko na siya nang paulit ulit pero heto siya at ginugulo pa rin ako.

"Ang sabi ni Tita Brenda kinakausap niya na ang manager no'n. Na kung pwede ayusin ang ginawang issue noong alaga niya," ngumisi si Olivia.

"Huwag nalang tayong magsalita lalo na ikaw, Johanna. Mas lalong lalaki ang gulo kung gagatungan natin ang problema," ani Marianna na nasa kabilang tabi ko, sa harapan din ng salamin. Nagkakabit siya ng kanyang hikaw.

"Pero hindi ba nililigawan ka no'n, Johan?" tanong ni Charlotte na nasa tabi naman ni Marianna.

Natawa si Olivia. "Hindi, noh! Hindi naman pumayag kahit kailan si Johanna roon. Asa pa siya e ang kalat ng career niya."

"Nakakatakot nga ang itsura no'n. Dati ang gwapo raw no'n pero ngayon..." umiling si Charlotte na para bang kinikilabutan siya.

Tumawa ako. "Huwag na natin siyang pag usapan. Kakausapin ko nalang siya."

We have a photoshoot today for our upcoming album. Yup! I've been released from the hospital. I just rested at home for a few days and then went back to work right away. We made new songs and now photoshoot. Mga mukha ng grupo ko ang palagi ko na namang nakikita.

"Fierce! Walang ngingiti! Good! Very good!"

All black ang suot naming apat ngayon. Sanay na kaming apat dito. Ang pinagkaiba lang ay excited kami ngayon dahil ito ang magiging una naming labas pagkatapos ng aksidente. Makikita na ulit namin ang mga fans.

"For solo photo, ikaw mauna Johanna!"

Umalis sina Olivia, Marianna at Charlotte para sa aking solo. Kinagat ko ang labi ko at tinitigan ang camera. Sanay na rin ako sa mga flash ng camera dahil nga matagal ko na 'tong ginagawa. Gamay na gamay ko na ang lahat ng ito.

"I like that! One more time! Smirk like a bad girl!"

Ngumisi ako at nag pose ng kung ano ano. Lahat 'yon nagustuhan ng photographer. Nang natapos ako ay si Marianna naman ang sumunod. Kinuha ko ang phone ko nang nakitang may nagtext doon.

Zairus:

I don't have a work today. Can I visit you?

Napangiti ako at napatingin kay Tita na nanonood sa harapan. Nakahalukipkip siya at seryosong pinapanood ang photoshoot nina Olivia.

Ayos lang naman siguro? Hindi ko pa nasasabi sa kanya na may boyfriend na ako. Alam ko bawal pero... papayag naman siguro siya?

"Tita..." lapit ko.

"Yes, Johanna?" nakatingin pa rin siya sa harapan.

"Can I talk to you for a moment?"

Napatingin siya sa akin. "Sure."

Lumayo kami sa studio at nagtungo sa dressing room naming apat. Hindi ko pa naman part at tatawagin naman ako kaya ayos lang na umalis.

"What is it?" tanong ni Tita Brenda.

Under the Moonlight (Agravante Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon