KABANATA 23

580 17 0
                                    

Kabanata 23

Enchanted

--

"May problema ba?" tanong ni Zairus hapon nasa bahay nila kami.

Katatapos lang naming lumabas at ngayon kahit gusto ko nang umuwi, parang ayoko rin. Dahil alam ko meron pa akong kailangang gawin. At ayoko mang gawin 'yon, alam kong kailangan.

Ilang araw na ang nakalipas. Nagpatuloy ako sa pakikipag kita kay Zairus pagkatapos ng usapan namin ni Mama. I know she's still watching my every move pero hindi niya na ako pinapakialamanan dahil alam niyang balang araw gagawin ko rin 'to.

At ito na nga... ang pinaka hihintay niya.

I don't want to do it, I repeat it to myself over and over again. Pero mas naiisip ko ang kapakanan niya. Mas naiisip ko ang mga bagay na mawawala sa kanya kapag nanatili pa ako sa tabi niya at ayaw kong mangyari 'yon!

I want him to fulfill his dreams. I want him to be successful someday. Gusto kong maahon niya sa hirap si Tito Halton and I also want his life to be good someday.

Even though it hurts so much, even though it's so hard, I still can't let my mother just take everything from him! Alam kong kayang kaya siyang pahirapan ni Mommy at ayaw kong mangyari sa kanya 'yon!

Kaya kahit masakit... sige, gagawin ko!

"Matagal ko nang napapansin na parang may problema ka. Ano 'yon? Sabihin mo sa akin..." Zairus took my hand and searched for my eyes.

Hindi ako tumingin sa kanya. Hindi ko siya kayang tingnan.

"Johanna, tell me..." he said softly.

Binawi ko ang kamay ko. Natigilan siya roon. Tumingin siya sa akin habang dinaan ko naman sa irap ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"I can't do this anymore..." I said.

"Ano? Anong problema, Johanna?" lumapit siya sa akin ngunit umatras ako.

Natigil ulit siya. Ngayon tumingin na ako sa kanya. Nakita ko ang paggalaw ng kanyang panga habang tinititigan ako.

"Let's stop this," sabi ko.

Kumunot ang kanyang noo. "Stop what?"

"This! Stop this! Hindi ko na kaya! Kung gusto mo talagang mag aral sa ibang bansa, edi mag aral ka! Iwan mo na ako rito!"

Mas lalong kumunot ang kanyang noo at sinubukan muling lumapit sa akin ngunit umatras ako.

"Wag kang lumapit sa akin!"

"Didn't we already talk about this? What's the problem?"

"Hindi ko pala kayang maghintay sayo! Hindi ko kayang maiwan nalang dito! Kaya mas mabuti pa siguro maghiwalay nalang tayo dahil hindi ko talaga kayang gawin 'to kahit anong pilit ko!"

His jaw clenched again and then he stopped. Matapang ko siyang tiningnan kahit parang dinudurog na ang puso ko sa halo halong emosyon na nakikita ko sa kanyang mga mata. He seemed confused, frustrated, and scared.

"Johanna..."

"Let's stop this, Zairus!"

"I thought it was okay for you for me to study abroad? What happened?"

"Hindi ko pala kaya! Hindi ko kayang maiwan! Kaya maghiwalay nalang tayo dahil parang ganoon din naman sa araw araw!"

"Anong ibig mong sabihin? Anong parang ganoon din naman?" mataman niya akong tinitigan.

"Hindi ko maramdaman!" pumiyok ang boses ko. "Hindi kita maramdaman! Kaya ngayong umuwi ka na napag isip isip ko na kapag umalis ka ulit, maiiwan na naman ako at hindi na naman kita mararamdaman! Hindi na naman kita makakasama! Magiging mag isa na naman ako!"

Under the Moonlight (Agravante Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon