SIMULA

1.9K 33 3
                                    

UMALIS NANG TAHIMIK KUNG HINDI MAGUSTUHAN ANG ISTORYA. ALAM KONG MEDYO MAY PAGKA CRINGE 'TO KAYA NAIINTINDIHAN KO PERO TIGILAN NIYO NALANG KUNG HINDI NIYO KAYA.

Simula

Plan

--

Sa totoo lang noong una masaya naman, e. Because I love playing with their hearts! And for me, it's all just a game.

"He rejected me. Nagpapakita siya ng motibo pero nang sinabi kong gusto ko siya, lumayo siya tapos sinabing hindi kami pareho ng nararamdaman!" iyak ng kaibigan kong si Allison.

Hinimas ko ang likod niya. Nandito kami sa field ng school at kasama namin ang iba pa naming kaibigan, dinadamayan siya sa first ever heartbreak niya. Ito ang kauna unahang pagkakataon na nagkagusto siya pero nawasak agad ang puso niya. Sobra tuloy ang iyak niya at ang mga kaibigan namin ay galit na galit. Lalo na ako!

"He needs to pay!" si Jade.

"Oo nga! Dapat hindi ka niya pinaasa kung hindi ka naman talaga niya gusto! Walang hiyang lalaki 'yon!" si Trina.

Nakatayo silang pareho sa harapan namin habang nakaupo kami ni Allison sa bench.

Bumaling sa akin si Allison. "Please do this favor for me?"

"Oo nga, Johanna. Madali lang naman sayo 'to, e," ngumisi si Trina.

"I'm sure mahuhulog agad sayo ang lalaking 'yon!" si Jade naman.

Ngumisi ako. "Sure! This is very easy!" sabi ko.

Napangiti silang lahat doon. Tumingin ako kay Allison at ngumisi sa kanya. Kayang kaya ko siyang ipagtanggol. Ako ang gagawa ng paraan para pagbayarin ang kung sino mang lalaki na 'yon!

"Thank you, Johanna. The best ka talagang kaibigan!" anya.

Allison is the softest of all of us. Kaya siya rin ang palagi naming pinoprotektahan. At ngayong may nanakit sa kanya syempre ako agad ang tatakbuhan nila. Lalo na at lalaki 'yon. They know how good I am at hurting men.

I know most of the students here are calling me 'The Playgirl of all'. I'm not proud of it but I don't deny it either. Hindi naman kasi sa nananakit ako. Umaasa lang sila.

Kapag naglalakad ako sa hallway, pinagtitinginan agad ako ng mga estudyante. They were always amazed and couldn't take their eyes off me. Bukod kasi sa kilala ang pangalan, maganda rin daw ako. Kulang pa nga daw ang salitang maganda para i-describe ako. At totoo naman 'yon.

Fashionista, malakas ang dating, mapang akit, girl crush. Ilan lang 'yan sa mga naririnig kong sinasabi sa akin ng mga estudyante rito. Wala, e. Eto lang ako.

"Are you gonna watch my practice?" Dylan asked as I was arranging my things, uwian na at hinihintay na ako nina Allison sa labas.

"Nope," sagot ko at nilagay na sa balikat ang bag.

"Come on, Johanna! Ano bang gusto mo?"

Tinignan ko siya at nginisihan. "We're done, Dylan. How many times do I have to say that?"

"No, we're not done yet. As far as I know, I'm not doing anything wrong."

"Wala nga."

"So why are you breaking up with me? Don't tell me isa lang ako sa mga lalaking pina iyak mo?"

Bakit umiyak ka ba? Hindi ko na tinanong dahil baka umiyak nga.

I just shook my head and walked out of the classroom. We were in the same class and when we were still together I always watched him play basketball. Noong isang linggo pa kami break at hindi ko alam kung bakit hindi pa rin siya tumitigil.

Under the Moonlight (Agravante Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon