KABANATA 24

673 20 5
                                    

Kabanata 24

After Party

--

Una kong kita kay Charlotte, tumaas agad ang kilay ko. Hindi ko inasahan na makikita ko siya rito. She's Cassandra's friend at pinakilala niya lang kami sa kanya over the phone, video call.

"Johanna Agravante?" her eyes also widened when she saw me.

I smirked. "Cassandra's friend," bati ko sa kanya.

"Ikaw nga! H-Hi! Nice to finally meet you in person!" utal utal niyang sambit.

Ngumiti ako. Bagong pasok siya sa building at makakasama namin siya ni Marianna. Mas bata siya sa amin ng isang taon, nag aaral pa rin. Alam kaya ni Cassandra na papasok siya rito?

"Hindi ko pa nasasabi sa kanya dahil mukhang busy pa siya sa pamilya niya. Ayaw ko siyang abalahin," ani Charlotte nang magtanong ako.

Nakaupo kami sa sahig ng dance practice room, nagpapahinga sa unang practice. Nagtatawanan ang iba naming kasamahan habang nga uusap kaming tatlo rito.

"Oh? For sure magiging masaya 'yon kapag nalaman niya na you're pursuing music at magkasama pa tayo."

She smiled. "Alam no'n na gustong gusto ko ang music!"

"Then, tell her about this now! Na natanggap ka rin sa kumpanya kung saan ako nagt-traning! O gusto mo ako na magsabi?" nagtaas ako ng isang kilay at handa nang kunin ang phone.

"Hindi na! Ako nalang ang magsasabi sa kanya. Gusto ko ako mismo," she smiled again. "Masaya talaga ako na makakasama kita! Alam ko hindi pa tayo close pero medyo nabawasan ang kaba ko. Akala ko kasi wala akong magiging kaibigan dito."

"Bakit mo iniisip 'yan?" singit ni Marianna. "We're here! We can be friends!"

"T-Talaga?"

Ngumiti ako. Nasabi nga namin kay Cassandra na nandito rin si Charlotte. Masaya siya at nagulat nang nalaman 'yon, as expected.

Agad din naman kaming nagkasundo ni Charlotte. She's kind and very innocent. Sa aming lahat, siya ang pinaka bata. Si Marianna naman ang pinaka matanda na magtatapos na ng college. Kaya rin siya ang leader namin.

After almost four months, we saw Olivia Donesa entering the door of the dance practice room. Charlotte's eyes widened and she immediately ran to Olivia who was looking at her hand.

"Olivia! Ikaw ang bagong member?" masayang tanong ni Charlotte.

"Oh, so they know each other," tumingin sa akin si Marianna. "Ikaw? Kilala mo rin siya?"

"Well, yes. She's my cousin's friend."

"Again?" she chuckled and stood up.

Pinakilala ni Marianna ang bagong member na si Olivia. Ngumiti at maarteng bumati si Olivia sa aming lahat. And of course, like Charlotte, she was also shocked to see me and couldn’t believe it. Natatawa nalang ako at mabilis din naman kaming nagkalapit lapit.

"Oh my gosh! Johanna Agravante! I didn't expect to see you here!" si Olivia.

"Ako rin. Are you a dancer?" tanong ko.

"Yup! Akala ko nga hindi ako makakapasa. Wait..." tiningnan niya ulit ang kanyang kamay na kanina niya pa kinaiirita.

"What's that?" tanong ni Marianna.

"I don't know. A pen? Hindi ko maalis! Argh!" umirap si Olivia.

Natawa ako. "You can just wash it later."

That's how I met the two friends of Cassandra. Hindi ko rin inasahan na sila pa ang magiging members ko sa huli kasama na si Marianna na palagi kong nakakasundo.

Under the Moonlight (Agravante Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon