KABANATA 25

740 22 2
                                    

Kabanata 25

Duty

--

"Anak..." I heard my Mom's soft voice somewhere.

Maliwanag. Sobrang liwanag. Nararamdaman ko ang mga mata kong nakadilat ngunit nakapikit din at the same time. I see light, but I also see darkness. Hindi ko maidilat ang aking mga mata ngunit nasisilaw sa liwanag na aking nakikita.

Hindi ko maintindihan. Nasaan ako?

"Johanna..." I heard a familiar voice calling, para bang hinihingal.

It wasn't my Mom's voice anymore, I'm sure. It was a man's voice.

"Johanna!" mas malakas niyang pagtawag.

Gusto kong dumilat. Gusto kong gumalaw. Pero hindi ko magawa for some reason. I know that voice very well... And I don't want to hear it anymore. Because his voice was filled of worry and fear... I don't want him to worry about me.

"Johanna!"

Biglang nawala ang liwanag! Ngayon puro dilim nalang ang nakikita ko. Unti unti akong dumilat at malinaw ko nang narinig ang kung ano anong machine na nag iingay na kanina'y malabo sa pandinig ko. May naririnig akong iyak, mga nagsasalita, at ang mga malalalim na buntong hininga na para bang nakahinga sila nang maluwag.

"She's normal. Let's check her..." hindi ko na masyado pa silang naintindihan.

Sa rami ng buntong hininga na naririnig ko roon, isang hinihingal na tao ang naririnig ko malapit sa akin.

I can't open my eyes too much. I'm too weak to do that. Nasisilaw din ako sa liwanag. Liwanag... nasa langit na ba ako?

"Doc, she's all normal now..." boses ng isang babae.

Hindi pa rin naalis ang malalalim na hininga sa tabi ko. Isang haplos ang naramdaman ko sa aking pisngi dahilan nang pilit kong pagdilat sa aking mga mata.

Isang lalaki... nakaputi. Sinusundo na ba ako?

"Johanna..." nanghihina niyang sambit.

Tinatawag na ako? Pero ayaw ko pa! What's going on? Where am I? Please, tell me I'm not in heaven yet! Hindi ko pa natataama ang mga mali ko! Kung nasa langit na ako, baka ipadala na agad ako sa impyerno dahil sa mga kasalanan ko! Oh my gosh! No!

Nakatulog ulit ako. Nagising nalang na puti ulit ang nakikita ko. Nasa langit pa rin ba ako? Hindi ako pinatapon sa impyerno?

"Johan!" narinig ko ang boses ni Lorie.

What? Wala ako sa langit?

"Mmm..." I closed my eyes firmly when my head suddenly hurt. Napahawak ako sa aking ulo.

"Ayos ka lang? Doc!"

"Johanna! Hey... Hey..." I heard Dad.

Masakit ang ulo ko. Sobra! Hindi ko kinaya 'yon kaya muling nagdilim ang paningin ko. Nagising ako dahil sa isang pamilyar na boses.

"Kailangan niya ng mahabang pahinga. Masyadong naging malakas ang pagkaka untog niya sa sasakyan kaya sumasakit nang matindi ang kanyang ulo. But she's already fine. In the mean time, she just needs to rest..." I heard... Zairus' voice. What?

Unti unti akong dumilat.

"Mawawala ba ang sakit ng ulo niya?" narinig ko ang nanginginig na boses ni Mommy.

"Yes, of course. Magpahinga lang siya at wag masyadong mag isip, magiging maayos po siya agad agad."

It is really his voice! Nasaan ba ako? Hindi ba, nasa langit na ako kanina?

Under the Moonlight (Agravante Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon